Wednesday , April 24 2024

2 sako ng damo natagpuan sa elevator

DALAWANG sako na puno ng pinatuyong dahon ng marijuana ang natagpuan ng isang security guard sa loob ng elevator kamakalawa ng gabi sa Legaspi Tower sa Malate, Maynila.

Itinawag ni Joy Lance Estrellado, 28, security guard, residente ng 24 F Carlos St., Baesa, Quezon City, sa tanggapan ng Police Community Precinct (ALPHA PCP) na pinamumunuan ni Chief Insp. Brigido Salisi, ang natagpuang dalawang sako ng marijuna dakong 9 p.m. sa #5 elavator sa 5th floor ng Legaspi Tower sa P. Ocampo St., Malate.

Aniya, habang siya ay nag-iinspeksiyon, nakita niya sa nasabing elevator ang dalawang sako na inakala niyang basura lamang ang laman ngunit nang kanyang buksan ay natuklasang puno ito ng marijuana.

Dinala na sa Manila Police District Headquarters ang marijuana para sa laboratory examination. 

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *