Saturday , April 20 2024

Mga adelantadong ‘spin doctors’ ginugulo ang Malakanyang!

CHRApat na posisyon ang bakante sa Commission on Human Rights (CHR), nang matapos ang termino ni dating Chairperson Etta Rosales, noong May 5,  na ngayon ay naka-hold over at tatlong kasama niya, habang walang pang  inia-appoint ang Presidente. May limampu (50) ang mga nagkainteres  na mag-apply sa mga nabakanteng posisyon na ngayon ay nasa vetting process pa.

Pero marami rin ang mga gumawa ng taktikang-bulok para itulak ang kanilang kanya-kanyang manok.

Noong isang linggo habang nasa Canada si Presidente Noynoy Aquino ay may lumabas na news item na ilan umano sa mga aplikante at aspirante bilang CHR Chairman ay sina dating Constitutional Commissioner Chito Gascon, si dating Congressman Erin Tanada, Gwen Pimentel na kapatid ni Senador Koko Pimintel.

Marami ang nagulat at nagtaka kung bakit may mga press releases, at kino-congratulate pa sila sa radyo.

Aba’y napaka-adelantado naman ‘ata nila!?

Pinapangunahan pa ang presidente habang siya ay nasa Canada?!

Kamot nga raw sa ulo ang ilan sa bright boys sa Malakanyang dahil hindi pa nga natatapos ang selection process ng board  sa Presidential Management Staff ay may pahayag na agad sa media na lumabas na may ini-appoint na sa CHR.

Nililito at ginugulo ng ‘SPIN DOCTORS CUM MEDIA OPERATORS’ ang trabaho ng  selection board ng Presidential Management Staff maging si Executive Secretary Jojo Ochoa ay nabigla rin.

Nag-post pa nga si Con-Com Chito Gascon sa kanyang Facebook wall:

“That the Public May Know (this includes well-wishers): the vetting process to the CHR is still ongoing… no appointments have thus far been issued… the earlier report everyone had relied upon was not based upon an official announcement from OP (this is also a GMA Online Report, only more recent)… i appreciate the expressions of support BUT let’s just wait for the search process to be completed… God Bless Always… Cheers!

Lekat, masyadong atat na atat ang ilang tao na mai-appoint ang minamanok nila sa pamamagitan ng media?!

Sigurado ba kayong gusto ng mga tao na mai-appoint sila sa Commission on Human Rights? O sa ibang opisina? O kayo lang ang may gusto? 

Ano bang meron diyan sa opisina ng Commission on Human Rights at maraming nagkukumahog na ma-appoint!?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *