Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. Vi, ‘di raw nakikialam sa lovelife ng mga anak!

ni Ed de Leon

120214 Vilma Santos luis manzano

NILINAW naman ni Governor Vilma Santos na hindi siya nakikialam sa love life ng kanyang mga anak. Madalas kasi nako-quote si Ate Vi sa kanyang mga biro na sinasabihan niya ang anak na si Luis na gusto na niyang magkaroon ng apo. Sabi nga ni Ate Vi, siguro nasasabi lang naman niya iyong nasa loob niya, dahil ang feeling niya talagang panahon na naman para magkaroong muli ng baby sa kanilang pamilya. Ang huli nilang baby ay si Ryan pa, na binata na rin ngayon.

Pero ang sinasabi nga ni Ate Vi, “hindi ko naman sila pinakikialaman kung kailan ba nila gustong lumagay sa tahimik, o ang panliligaw nila. Basta ako supportive naman ako kina Luis at Ryan. Basta gusto nila sige lang, pero lagi ko lang ipinapaalala, maging responsible sila. Ayoko naman iyong may mangyayari tapos sasabihing hindi nila kayang panagutan”.

“That is what I always tell them. Hindi masama iyong magkaroon ng girlfriend, but please be responsible naman for the girls. It is ok, kung minsan may nagugustuhan ka, akala mo at the moment iyon na iyon, then you change your mind, hindi mo talaga mapipigil iyon eh. Pero sinasabi ko nga kung hindi pa kayo sure better be responsible naman. It will be a nightmare for me kung isang araw biglang may magsasabing may nangyari sa kanila ng anak ko at ayaw panagutan.

“Of course ang difference is pareho kasing lalaki ang mga anak ko. Kung sabihin nga nila mas madali iyon kaysa kung babae ang anak mo. Kasi kung babae, siya ang lugi. Wala naman kasing nawawala sa mga lalaki eh, pero ganoon pa rin iyon. The thought of having a responsibility tapos hindi mo mapanagutan, masama iyon,” sabi ni Ate Vi.

Ganyan naman dapat ang mga magulang. Hindi man makialam sa kanyang mga anak, at least sinasabi niya kung ano dapat ang limitasyon nila. Iyan ang responsible parenthood.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …