“Poison letter” sinagot ni Lina
hataw tabloid
May 5, 2015
Opinion
NORMALLY, hindi naman dapat bigyan ng valor ng isang opisyal ng pamahalaan, pero sa tulad ni bagong Komisyoner Bert Lina tila okay lang na bigyan niya ng linaw ito.
Hindi natin inaasahan na ang mga poison letter na napapaloob sa ‘White Paper’ na walang nakalagdang awtor pero mayroong inside track sa labas.
Isa sa mga nakapagtataka, ang mga poison letter hinayaang maging “legitimate news item” na may by-line pa mismo ng reporter na nabigyan ng poison letter.
Ganito na yata ang today’s journalism practice sa bansa. Mismong ilang national broadsheet ang nangunguna sa paglalathala.
Tulad na lang ng value added service provider na E-konek. Isa sa ilang involve sa lodgement ng mga entry ng mga importer/broker na talagang mataas ang singil ng operator ng E-Konek, isang pribadong firm ito. Bawat Entry ang singil sa mga consignee/importer.
Ang sabi sa poison letter (white paper) na ipinakalat marahil ng mga gustong dumiskaril sa appointment ni Lina ay nagsabing P100-million daw ang ibinabayad ng Aquino administration kada taon. Mantakin ninyong kagatin ito ng reporters as “truth.” Baka sila na rin ang didikta sa kanilang news editor. Unfair ito kay Lina dahil nga ang E-Konek ang sumisingil sa bawat lodgement ng Entry.
Kahit iyong mga kolumistang “approachable” ng mga grupo na nasa likod nitong mga poison letter na walang awtor sakay-sakay din.
Tapos heto pa nga ang isang poison letter na ukol sa isang bonded warehouse ng Lina Group of Companies (LGC), ang U-freight sa NAIA-Customs.
Sabi doon sa white paper/poison letter, may P1.56-billion na shipments ng Air Asia (dating Zest Air), ay pag-aari ng isang Malaysian tycoon.
Ang Intelligence Group (IG) sa ilalim ng hepe nito na si IG Jessie Dellosa na ang nasabing P1.5 billion na shipment ng Air Asia under inventory nila at ang puno nito ay isang Atty. Leo Peralta, isa sa mga sumabit sa missing 2,000 container vans na sinuspinde ni dating Commissioner Lito Alvarez noong 2012. Tapos napilitan din mag-resign si Alvarez.
Sinabi sa release ni Dellosa na bakit isinama si Peralta sa mga itinapon sa Customs Policy Research Office (CPRO) na nagpapahiwatig baga na tila binuweltahan si Peralta bilang imbestigador ng U-Freight ni Lina.
Ang mga bonded warehouse sa ilalim ng customs ay talagang punong-puno ng eskandalo noong mga nagdaang taon.
Bueno itong grupo nina Peralta ang nag-iimbentaryo sa U-Freight. Isa ito sa binanggit sa posion letter.
Sabi ni Lina hindi naman parte ang U-Freight sa transaction. Ang owner ng shipment ng mga eroplano ay Air Asia. May nine months pa para ma-liquidate or ma-account ang laman. Ito ay sa parte na ng Customs NAIA at iyong shipment operator. Ang U-freight ay pansamantalang lagakan lang bago hakutin ang mga shipment ng importers.
Dapat maipaliwanag na may nine months plus and three-month extension ang operator ng warehouse para mag-liquidate. Hindi pa yata tapos ang deadline to liquidate. Isa pa, hindi naman ipinapaliwanag na ang shipment ng Air Asia sa U-Freight ay may congressional franchise – meaning exempted sa BIR tax at BOC duty. Isa pa ang certificates of exemption na inisyu ng Finance.
Ang sabi kasi sa posion letter, unclaimed daw iyong cargo na hindi na raw ma-liquidate ng broker. Pero may broker’s letter on May 24, 2014, last year, na nagsasabi na ang shipment ng Air Asia ay inilipat na sa facilities mismo ng may-ari nito. Ito ang dapat bantayan nang husto. Pero premature pang sabihin na unclaim iyong P1.5-B shipment ng Air Asia na tax exempted and duty free. Walang babayaran liban sa operator ng U-Freight.
Isa pa rin bonded warehouse ng LGC, ang cargo warehouse, questionable rin daw iyong airway bills ng dalawang chopper sa loob nito. Ang sagot ni Lina wala silang control kung ano mang shipments ang ipapasok sa cargohaus. Cleared naman daw pala iyong two choppers ng broker na hindi naman related sa LGC.
Magaling ang pagka-prepare ng white paper. Hindi natin basta masisi ang mga reporter ng broadsheet na nagsulat. Baka nga may mga ebidensya sila.
Tingnan natin.