Monday , April 24 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Photoshop picture ni Enrique, inalmahan ng fans

Photoshop picture ni Enrique, inalmahan ng fans

ni Alex Brosas

050515 enrique gil

COVER ng isang magazine si Enrique Gil pero nagwala ang fans niya dahil super photoshop daw ang nangyari.

Ipinakita sa isang popular website ang photos ng pictorial at medyo malayo nga sa original picture ang lumabas na cover photo. Hindi maikakailang pinotoshop ang larawan ng binata.

Nagwala naman sa galit ang fans ni Enrique. Iba raw kasi ang mukha ng actor na lumabas sa cover pictorial.

“He looks like the makeup transformation version of Paolo Ballesteros,” comment ng isang fan.

“He looks so different from the real Enrique. Mukha siyang bakla at masyado ng effeminate ang looks niya lately. Pretty boys are a turn off, mas maganda pa ang mukha sa tunay na babae and that’s not very attractive,” mataray na comment naman ng isa pa.

“Omg… o.a ng pagkakaphotoshop! Gwapo na kasi bakit kailangan pang iphotoshop ng over? Di kaya iterminate ang editor ng gumawa nyan? Lol,” may saysay na sabi naman ng isang follower ng actor.

“KUNG SINO MAN TAGA PHOTOSHOP NG METRO MAG NAKIKIUSAP AKO SISANTIHIN NIYO NA!!! there is something wrong if mas gusto ko pa yung BTS kesa sa actual cover mas gwapo pa dun si Enrique NAKAKALOKA! makiki HT na ako #JusticeForEnriqueGil” say naman ng isa pang fan.

Ano kaya ang say ng magazine editor sa mga patutsada sa kanila?

Actually, hindi na naman kailangang i-photoshop nang todo si Enrique dahil guwapo naman siyang bata. Hindi namin alam kung bakit kailangan pa nilang gawin ang ganoong proseso. Hindi ba’t pang-chakang tao lang ang mga photoshop na ‘yan.

Naku, sa rami ng galit sa magazine ay baka hindi mabenta ang babasahing ‘yon, ha.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top

Get Widget