Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Kailanman ‘di matatalo si Floyd sa MGM

Kailanman ‘di matatalo si Floyd sa MGM

Floyd Mayweather Jr., Manny Pacquiao

00 kurot alexTAMA sina Quinito Henson at Ronnie Natanielz na naging panelist sa coverage ng labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr nitong Linggo na lamang si Pacman pagkatapos ng 12 rounds.

Iyon ay kung sila ang tumayong judges sa nasabing laban ng tinaguriang Fight of the Century.

Kaso mo, sa MGM Grand sa teritoryo ng USA ginanap ang laban at tatlong Kano ang tumayong hurado na may ganoon ding damdamin tulad ng nararamdaman nina Quinito at Ronnie.

Siyempre, panalo sa kanila ang kababayan.

No-way para matalo si Floyd sa teritoryo niyang MGM Grand.

Pero ang matindi, overkill naman ang ginawang iskoring ng tatlong hurado. Masyadong malayo ang agwat ng inilagay nilang iskor. Parang siniguro nila na mapapanatili ni Floyd ang walang bahid talong karta at mapanatili ng Kano ang prestihiyo sa boksing na nasa kanila ang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

0o0

Ang isa pang nakakalungkot, naiba na talaga ang kahulugan ng boksing para sa mga Kano. Kung pagbabatayan mo ang kahulugan ng boksing sa tunay na esensiya nito, kasingkahulugan nito ang salitang suntukan.

Pero kay Floyd, ang suntukan ay hinaluan niya ng track-and-field.

Tingin nga natin, sa istilo ni Floyd, mas marami siyang panahon na iniukol sa pag-eensayo sa pagtakbo kesa sa pagsuntok.

Mabibilang mo sa daliri ang binitawan niyang suntok. Samantalang ang pagtakbo ay hindi mo mabilang.

No wonder, pagkatapos nina Manny at Floyd sa boksing—malamang na sumisid na ang larong boksing. Ganoon din ang pananaw ng Mixed Martial Arts.

Simula nang dumugin ng fans ang mga laban sa MMA o UFC dahil makikita mo ang tunay na laban. Talagang duguan ang magkatunggali pag nagtapos ang laban dahil panay ang salpukan ng magkalaban. Samantalang sa boksing, konting suntok, daming ilag, daming takbo—nanalo ka na sa tatlong hurado.

 

ni Alex L. Cruz

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved