Wednesday , April 24 2024

Ikaw pa rin Cong. Pacman; at drug courier  “TKO” sa QCPD

00 aksyon almarMARAMING nalungkot, desmayado sa sinasabing Fight of the Century” — ang Pacquiao-Mayweather fight, sa naging resulta ng laban. Ang sabi nga ay hindi raw matawag na fight of the century ang laban dahil mistulang walang nangyaring bakbakan at sa halip, ang laban ay isa raw masasabing ordinaryong bout – The Fighter vs. Boxer.

Ano man ang naging resulta ng labanan nitong Linggo, huwag nang husgahan ang desisyon ng mga hurado. ‘Ika nga ang desisyon o utos ng hari ay hindi nababali. Ngunit, natalo man ang pambansang kamao nating si Congressman Manny “Pacman” Pacquiao, mananatiling siya pa rin ang champion ng Filipino.

Katunayan, hindi lang sa ating mga Pinoy nananatiling kampeon si Mannny kundi maging sa mga tagahanga niya sa iba’t ibang panig ng mundo.

Napanood naman natin ang laban, mistulang nakasakay sa umaatras na kabayo si Mayweather.

Pero hanga tayo sa ipinakitang galing ni Mayweather, ibang klaseng boxer ang mama. Hindi naman siya takot kay Pacman at sa halip, ipinamalas niya sa lona ang paggamit ng lona. Yes, isang siyang madiskarteng boxer at hindi mandaraya.

Hindi natin kinakampihan si Mayweather kundi nasaksihan naman natin kung paano niya nilaro si Pacquiao. Tama ang kanyang diskarteng hindi sabayan ang pagka-agresibo ni Pacman dahil kapag ginawa niya iyon ay malamang may paglalagyan siya kay Manny. Mautak talaga si Mayweather, talagang hindi niya binigyan ng pagkakataon si Pacman na makapasok.

Bukod sa pagpapagana sa kanyang utak, sinamantala din ni Mayweather ang paggamit sa kanyang mahabang kamay.

Dahil sa hawak ng kanyang kamay ay agad na nauudlot ang tangkang pagpasok ni Pacquiao.

Tulad ng naunang nasabi, siyempre ano pa man ang mangyari kay Pacman, mananatili pa rin siyang kampeon sa nakararami, hindi lang sa mga Pinoy.

Congressman Pacquiao, congratulations!

At sa ating mga tagahanga, tanggapin na lamang natin ang resulta ng labanan. Sa nangyaring  labanan at pagkatalo ni Pacman, naniniwala akong may mensahe ang lahat para kay Pacman mula sa Panginoong Diyos. Iyan din ang paniwala ni Congressman.

Siyempre, salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa dalawang boxer.

***

Natalo (este, hindi pala kundi nananatili pa rin siyang kampeon) si Cong. Manny, “knockout” naman kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, Quezon City Police District (QCPD) District Director, sa pamamagitan ng kanyang District Anti-Illegal Drugs (DAID), ang isang bigtime drug courier na si Qui Yugian, 52, tubong Fujian, China, at nakatira sa Tondo, Manila. Bumagsak sa buy-bust operation na pinangunahan ni Sr. Insp. Edisio Llano sa direktiba ni Chief Insp. Roberto Razon, hepe ng DAID, si Qui makaraang bentahan ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon kamakalawa ng gabi sa Kamias Road, QC.

Bukod sa isang kilo, nakuha pa kay Qui ang tatlong kilo (nagkakahalaga ng P3 milyon) sa loob ng kanyang dalang Toyota Camry.

Kaya hayun si Qui, tulog sa hawla sa “knockout punch” ng QCPD-DAID. Inakala siguro ng drug courier na kulang sa ensayo ang QCPD at kanyang malulusutan ang DAID. Mali kayo riyan, araw-araw kayang nagsasanay ang DAID para gawin ang lahat, masugpo lang ang droga sa Kyusi.

Siyempre, ang lahat naman ng hakbangin ng DAID ay bunga ng kampanya ni Gen. Pagdilao laban sa droga at kriminalidad sa lungsod na ipinagkatiwala sa kanya.

Gen. Pagdilao, Maj. Razon, Capt. Llano sampu ng kanyang mga tauhan sa DAID, ang galing-galing ninyo mga parekoy!

God bless.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *