Thursday , April 25 2024

Hero’s welcome kay Manny inihahanda na

050415 pacman floydGENERAL SANTOS CITY – Abala na ang lokal na pamahalaan ng GenSan at Sarangani sa paghahanda sa isasagawang hero’s welcome para kay eight division world champion at Sarangani Cong. Manny Pacquiao.

Ito’y sa kabila ng pagkadesmaya ng karamihan makaraan ang kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr. na idineklarang panalo ang American boxer.

Nabatid na manalo o matalo man ay isang engrandeng hero’s welcome pa rin ang sasalubong sa pag-uwi ng Filipino ring icon, dahil si Pacman pa rin anila ang mananatiling kampeon sa puso ng kanyang mga kababayan.

Batay sa naunang report, sa Biyernes, Mayo 8, ang tentative date ng pag-uwi ng Team Pacquiao sa Lungsod ng Heneral Santos.

Paghanga ng Pinoy kay Manny ‘di magbabago — Palasyo

HINDI nagbabago ang pagkilala ng sambayanang Filipino kay Manny Pacquiao bilang “Pambansang Kamao” at “People’s Champ” kahit hindi nagtagumpay sa kanyang huling laban.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod nang magkahalong lungkot at pagkadesmaya para kay Pacquiao at galit ng publiko kay Floyd Mayweather dahil sa maruming estilo sa boxing.

“Si Congressman Manny Pacquiao po ay itinuturing ng sambayanang Filipino bilang ‘Pambansang Kamao,’ at para sa atin pong lahat, siya ang ating ‘People’s Champ,” ani Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ani Coloma, nakilala si Pacquiao hindi lamang sa kanyang galing sa ring kundi sa kababaang loob at pagsisikap na maabot  ang kinaroroonan niya ngayon.

“Dahil katulad nga nang ipinahiwatig ni Pangulong Aquino sa kanyang goodwill message sa bisperas ng kanyang laban, nagpapasalamat tayo sa kanya dahil siya ay nagbibigay ng inspirasyon sa bawat Filipino na sa araw-araw ay sinisikap na malaktawan ang mga hamon ng buhay at mapabuti ang kanilang kinabukasan,” dagdag ni Coloma.

Rose Novenario

Philippine Boxing Welfare bill isinulong

ISINULONG ng mga senador ang pagsasabatas ng apat na panukala para gawing professional ang larong boxing sa Filipinas.

Ito ay kasunod ng laban ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas na bagama’t natalo ay hinangaan sa buong mundo ang Filipino ring icon.

Naghain ng magkahiwalay na panukala sina Sen. Miriam Santiago at Sen. Manuel Lapid ngunit kapwa pa naka-pending sa Senate Committee on Sports.

Kapwa sinabi nina Santiago at Lapid na bagama’t mahirap ang boxing, napatunayan ang galing ng mga Filipino sa ganitong sports.

Ang kailangan lang anila ay protektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga boksingero.

Sa panukalang Philippine Boxers Welfare Act, maglalagay ng isang independent at bukod na trust fund para sa mga boksingero.

Gagamitin ang trust fund para sa pag-upgrade ng training facilities para magkaroon ng international standards at suporta sa mga boksingero.

Cynthia Martin

Pacman isasailalim sa MRI para sa shoulder injury

ISASAILALIM sa Martes (Lunes sa Amerika) si Manny Pacquiao sa magnetic resonance imaging (MRI) para sa shoulder injury niya.

Pabalik na si Pacquiao at ang pamilya niya sa Los Angeles upang ipatingin ito.

Sakaling ipaopera ang balikat, sinabi ni Pacquiao na katumbas ito ng tatlong-buwan pahinga. Taliwas ito sa ulat ng Yahoo! Sports na posibleng siyam na buwan mawawala ang People’s Champ.

Batay sa report, ikinompara ni Top Rank promoter Bob Arum ang injury ni Pacquiao sa dinanas ng NBA Lakers player na si Kobe Bryant na may torn rotator cuff.

Dati nang injury ni Pacquiao ang punit sa kanyang balikat.

Sinabi ni Pacquiao, ang balikat na sumasakit ang siya mismong parte na na-injure din sa isang jetsi incident.

Sumakit aniya ulit ang dati niyang injury habang nasa sparring session.

Bagama’t wala pang partikular na detalye ukol sa naturang jetski incident, napag-alamang nagka-injury si Pacman dahil sa kanyang “bad movement.”

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *