Saturday , April 20 2024

Kelot nagbaril sa ulo

PATAY ang isang 22-anyos lalaki makaraan magbaril sa ulo sa kanilang bahay sa Pandacan, Maynila kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jordado Tito, may live-in partner, walang trabaho, residente ng 1939 Masigasig Street, Pandacan, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:10 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang live-in partner na si Jaysell Sagum at mga kaibigan na sina Genieva Ruis at Cristene Grace Mesias nang magkayayaang sila ay mag-inoman.

Ngunit habang nag-iinoman, ipinakita ng biktima ang kanyang pen gun kaya pinagsabihan ni Sagum na itabi ito.

Dakong 3:45 a.m. nagpasyang umuwi na ang mga bisita habang nagpaalam si Sagum na magsisipilyo sa banyo bago matulog. Ngunit habang siya ay nasa banyo nang makarinig siya ng putok ng baril.

Mabilis siyang lumabas at nakitang nakabulagta at duguan ang biktima na nagbaril sa ulo.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

LEONARD BASILIO, may dagdag na ulat sina MARY JOY SAWA-AN, DARWIN MACALLA at JOSHUA MOYA

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *