Thursday , April 25 2024

Morissette, pinalitan na si Angeline bilang Queen of Teleserye Theme Songs (Bukod sa pagiging Next Big Diva…)

042415 Morissette amon angeline quinto

00 SHOWBIZ ms mHINDI kuwestiyon kung gaano kagaling at kaganda ang boses ni Morissette, kaya hindi rin imposible sakaling palitan na niya sa trono bilang Queen of Teleserye Theme Songs si Angeline Quinto.

Bukod sa tingin nami’y mas magaling siya kay Angeline dahil mas makapal pa ang high register ng voice niya kompara sa huli na manipis na, marami na ring teleserye theme songs ang inawit ni Morisette.

“Iba ‘yung galing namin ni Angeline, iba rin ang techniques na ginagamit namin. And about sa ibinibigay n’yong title very grateful po ako kasi binibigyan ako ng ganoong opportunity. Pero at the the back of that si Angeline po talaga ang Queen ng teleserye theme songs,” sambit ni Morissette sa paglulunsad ng kanyang self-titled album mula sa Star Music.

Hindi maitago ni Morissette ang kaligayahan na pagkatapos ng maraming taong paghihintay ay legit at main stream singer na siya at nabigyan ng sariling album. Kaya naman ika nga niya’y ibinigay niya ang lahat sa album na ito. Naranasan din kasi niyang maetsapuwera at hindi mabigyang pagkakataon para makakanta dahil sa hindi raw siya masyadong maganda. Mas nauuna nga raw kasing makita ang physical aspect kaysa mapakinggan ang kanyang boses.

Sa mga ipinarinig na awitin ni Morissette, bukod sa rati na namin siyang hinahangaan dahil sa ganda ng boses, mas lalo kaming bumilib sa kanya dahil sa bagong estilong ginagawa niya ang whistle na naririnig namin kina Mariah Carey at Ariana Grande. “Actually sa whistle, ang very first artist na napanood ko ng live is Nina. ‘Yun din ‘yung times na nasa peak din ang career niya, and of course sumikat ‘yung ‘Foolish Heart’ niya. Naisip po ng family ko na i-try din ‘yung whistle, so napa-praktis- praktis din po namin dati.

“Pero hindi ko po masyadong nagagamit before kasi po hindi sa lahat ng kanta nagagamit ‘yun. And then medyo nakalimutan ko po ‘yun after ng ‘The Voice’.

“Naisip kailangan mayroon akong ibang gagawin para mapansin ako. So naalala ko po ‘yun (whistle) na marunong din mga pala akong mag- whistle.

“The very first time na ginamit ko po ‘yun hindi pa po stable. Parang sanayan din, praktis, praktis hanggang dito sa album ginamit hanggang sa nadevelop,” mahabang paliwanag ni Morissette na tampok ang pag-whistle niya sa ilang awiting nakapaloob sa album. Ilan sa mga awiting maririnig ay ang Throwback with KZ Tandingan, Hinahanap Pa Rin, Mahal Kita, Mahal Mo Sya, Mahal N’ya Ay Iba, You and I, Run Like A Warrior, ang coustic version ng kanyang Himig Handog 2014 hit song na Akin Ka Na Lang at ang carrier single na Di Maipaliwanag.

Sinabi pa ni Morissette na sa self-titled album niyang ito’y maraming technique ang itinuro sa kanya ni Francis “Kiko” Salazar. Nakanta kasi ni Morissette ang iba’t ibang genra kasama na ang rhythm and blues, ballad at pop.

Kasama rin sa self-titled album ni Morissette ang original version ng Akin Ka Na Lang, at ang popular movie at teleserye theme song na Anong Nangyari Sa Ating Dalawa mula sa Two Wives, Kapag Ako Ay Nagmahal mula sa Flordeliza, at ang Nothings Gonna Stop Us Now, na kasama niyang umawit si Daniel Padilla para sa pelikulang Crazy Beautiful You.

Available na sa mga record bar nationwide ang self-titled album ni Morissette na mula sa Star Music.

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *