Thursday , April 25 2024

Tumatanggap na ako ng entrega… pero hindi ako humihingi — Korina

042115 korina mar roxas

00 fact sheet reggeeSA pagpapatuloy ng panayam namin kay Rated K host, Ms. Korina Sanchez-Roxas ay naikuwento niya na maraming pagbabago sa kanya bilang asawa ni DILG Secretary Mar Roxas simula noong nagbakasyon siya sa TV Patrol.

Kuwento ni Ms. Korina, ”sabi ko, if I can be a journalist, I can be his wife. So I have to live his life and I have to embraced his life, so kailangan kong medyo mag-immerse sa politika niya, kailangan kong makilala ang mga tao sa paligid niya na rati ayaw na ayaw ko.

“Kailangan kong humarap sa lahat ng mga grupo niya at tumatanggap na rin ako ng pera (entrega) sa kanya kapag binibigyan niya ako, pero hindi pa rin ako humihingi.

“Nag-evolve na pala kami (usapan nila ni Mar), like, kung sabi ko, ‘kung may nangyari pala sa ‘yo sa Yolanda o sa Zambaonga, hindi ko alam anong gagawin ko, ano bang mga bilin mo, so, pinag-usapan na namin ‘yun.”

Ang nadiskubre pa raw ni Ate Koring kay Kuya Mar, ”he’s a provider, hindi ko pa kailangan ibinibigay na niya, rati I would insist it, now sasabihin, siya ang nagbibigay ng pambili ng tsinelas.

“Ito ang isa pa g sa mga reformed movements, dati, kanya-kanya talaga kaming uwi sa gabi, bahala na kung tulog na siya o ano, wala talagang paalamanan.

“Ngayon, talagang we make it a point na we are there at home together at night, he likes dinner time with me, sabay kami. Kapag hindi siya makakapag-dinner, magsasabi siya, ako rin magsasabi or (he’ll) ask, ‘oh, what’s your schedule this weekend’ ‘pag sinabi niyang ‘I really have to be with the President (PNoy)’, so ako naman, mag-i-schedule na rin ako ng family ko, so para there are days na kami lang talaga ang magkasama.”

MADALAS MAG-I LOVE YOU AT SABAY MAG-SHOWER

Madalas din daw sabihan si Korina ng kanyang esposo ng, “‘I love you, I’m so happy to be with you’ sabi niya with a kiss, with a hug.”

Sa tanong kung sabay mag-shower sina Mar at Korina, ”ano ba, ayokong sagutin ‘yan, pagagalitan niya (Mar) ako,” humahalakhak na sagot sa amin.

At sa tanong namin kung ipinagluluto ni Korina si Mar ng hapunan dahil nga sabay sila, ”oo naman, pero hindi madalas, pero ang totoo, once a year during Valentines (day), Reggee, ang sarap magluto ng kusinera namin, bakit ko pa siya kukompetisyonin at saka pinsan niya si Margarita Forres (may-ari ng Cibo), si Malou Forres.

“Pero ‘pag Valentines, ako talaga nagluluto, ‘yung mga especialty ng mother ko, masarap magluto ‘yun kasi Kapampangan ‘yun, masarap siyang mag-callos, iba. Sige one time magluluto ako sa inyo (entertainment press), sa bahay, promise,”masayang kuwento pa ni Koring.

WALANG SARILING BAHAY

Samantala, walang sariling bahay sina Korina at Mar, ”wala, roon pa rin (white house), ‘di ba sa loob ng compound, may main house, eh, may sariling bahay na si Mar doon at saka family oriented siya, ayaw niyang iwan at saka ang mama niya, ayaw niyang iwan naman kasi 80 years old na si (mommy) Judy, so ako naman, parang nawala na ‘yung urge ko to have my own home, kasi I grew up in a big house.

“Pero ‘yung (condo) sa the Fort, half-way home ‘yun like if there’s a meeting sa Makati, that’s there. But we really live in Cubao (Tuazon Street).”

Ito raw ang bahay ni secretary Mar noong binata pa kaya medyo maliit ito kaya ang mga sapatos ni Korina ay, ”my shoes are all in orocan (plastic container), kasi kulang ‘yung space, eh.”

May mga kalokohan din ba sa katawan si secretary Mar dahil base sa nakikita namin ay masyadong straight at parang hindi marunong magbiro?

“Mayroon din, mababaw nga ‘yun, sobrang babaw, pero ‘yung kalokohan na ano, wala, sobrang straight ‘yun as in, hindi kurakot, wala kang masisilip, kaya nga nagkasundo sila ni PNoy at gusto rin niya si PNoy kasi walang bahid ng kurakot.

TREKKING SA REST HOUSE

“Mababaw lang ‘yan (Mar) like noong Holy Week, nagpunta kami sa Baguio sa rest house nila, sabi niya magte-trekking kami with our complete gears (sabay pakita ng mga larawan nila na nakasuot ng back-packs at may sukbit pang banig), sabi ko, ‘huh, saan?’

“Tapos sabi niya rito (sa palibot ng bahay), natawa ako, pero ang laki-laki naman kasi talaga niyong compound, para lang ma-feel na nag-trekking kami at nagtayo kami ng tent.

“Sa tent kami natulog for two days at sobrang lamig kasi mataas, eh, at maraming puno. Ang ganda nga kasi paggising ko, ang ganda ng liwanag,” tumatawang kuwento ni Mrs. Roxas.

Nag-bonfire pa raw ang mag-asawa at nagluluto ng mga pagkain sa kaserola, ”at talagang pang camping ang food namin, ‘yung (aluminum sachet) kinakain ng mga nagka-camping, backpackers. Nakakatuwa nga kasi nasa paligid lang kami ng bahay nila, naglutu-lutuan kami, para kaming mga bata. Ganoon lang ang trip ni Mar, mababaw na tao ‘yun kung alam n’yo lang.”

Sayang nga ateng Maricris, nakaalis ka na, eh, ‘di sana narinig mo pa ang mga off-the-record tsikahan namin ni ate Koring tungkol sa mga kababawan pa ni secretary Mar na hindi mo iisiping magagawa niya. Super aliw at cute.

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *