Friday , April 19 2024

Amazing: Nurse cat tagapag-alaga ng hayop sa animal shelter

083014 AMAZINGMATINDI ang pinagdaanan ni Radamenes, ang angelic little black cat sa Bydgoszcz, Poland, kaya maaaring ito ang dahilan at ninais niyang makatulong sa mga hayop sa veterinary center.

Makaraan mailigtas ng veterinary center ang kanyang buhay, ibinabalik niya ang pabor sa pamamagitan ng pagyakap, pagmasahe at minsan ay paglilinis sa ibang mga hayop na nagpapagaling sa kanilang sugat o makaraan isailalim sa operasyon.

Si Radamenes ay naging local attraction, at marami nang mga tao ang bumibisita sa kanya sa center para sila ay suwertehin.

Si Radamenes, gumaling sa respiratory infection, ay kasalukuyang tumutulong sa ibang mga hayop sa Polish shelter para sa agaran nilang paggaling.

Noong siya ay maysakit, inakala ng taong nagdala sa kanya sa center, na siya ay patutulugin na lamang.

Ngunit nang marinig ng mga beterinaryo ang kanyang pag-purr, nagdesisyon silang iligtas ang pusa.

Makaraan ang milagrosong paggaling ng pusa, nagulat sila nang makita si Radamenes habang niyayakap at nililinis ang ibang mga hayop.

Siya ay partikular na malambing sa mga hayop na dumaan sa seryosong operasyon.

Pabirong tinawag siya ng mga beterinaryo bilang full-time nurse. Anila, ang pusa ay kanilang mascot. (http://www.boredpanda.com)

 

 

About hataw tabloid

Check Also

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *