Wednesday , April 24 2024

2 kelot itinumba sa P’que City

 

041815 gun manila ncr

PATAY ang dalawang lalaki makaraan tadtarin ng bala mula sa kalibre .45 baril kahapon ng madaling-araw sa Paranaque City.

Namatay noon din sina Bernard Mortalla, 24, at Christian Podasas, 21, kapwa walang trabaho at residente ng Manalili St., Purok 3, Brgy. Central Bicutan, Taguig City.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Paranaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel L. Andrade, dakong 1:30 a.m. nang maganap ang insidente sa harap ng PNCC sa East Service Road, Brgy. San Martin De Porres ng naturang lungsod.

Narekober sa lugar ng insidente ang pitong bala ng kalibre .45 baril, isang itim na Nissan Cefiro (WLC-196), itim na Kawasaki Curve scooter (6152 OZ) at isang kalibre .38 baril na may bala.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *