Wednesday , April 24 2024

Sylvia, nanlamig nang maglaro ng Deal or No Deal

040715 sylvia

00 fact sheet reggeeGUSTONG-GUSTO pala ni Sylvia Sanchez na sumali sa Kapamilya, Deal or No Deal dahil gusto niyang maranasan ang pakiramdam ng naglalaro.

Matagal na raw siyang inaalok, hindi naman daw nagsu-swak sa schedule niya kaya ngayon lang siya pumuwede.

Kuwento ni Ibyang nang maglaro siya sa KDOND, ”masarap palang nakakanerbiyos maglaro, kasi iba ang pakiramdam kapag nasa gitna ka pala, akala ko madali lang, kapag nanonood ako, sabi ko sa naglalaro, ‘ano ba ‘yan, sana ‘yung ganitong number o ‘yung ganoon’.

“Iba pala ‘yung feeling ng nakaupo lang at nanonood kaysa naglalarong nasa gitna.

“Iba pala ang feeling, nanlalamig ka, at kaya nagpapatawa si Luis (Manzano) para mawala ang nerbiyos mo. At saka si Luis, may sapi, dalawang espiritu ang sumasanib sa kanya.

“Kapag nag-iinterview, nagpapatawa, pero kapag nagsabi na siya ng, ‘the banker’s offer is, deal or no deal’ iba na siya, tititigan ka na ng diretso sa mata kaya nakakatakot na siya.

“Sa totoo lang, mas ninerbiyos ako sa ‘Deal or No Deal’ kaysa mag-teleserye. Kaya sumali rin ako para hindi naman ako laging napapanood na nagtataray, umiiyak at nananampal, gusto ko mapanood din ako ng tao na masaya.

“Nakatatawa nga, kasi puro ako inhale, walang exhale, sabi ni Luis, ‘tita, inhale-exhale’ eh, hindi ko magawang mag-exhale sa nerbiyos,” natatawang sabi sa amin ng aktres.

Nanalo ba si Ibyang Kapamilya, Deal or No Deal, ”alam mo, bokya ako sa mga ganyan, wala akong suwerte, maski nga ‘yung mga pakontes sa malls o raffle tickets, hindi ako nananalo maski na yata pinakyaw ko na lahat ng raffle tickets, wala pa rin.

Iba ang suwerte ko sa buhay, hindi sa games o contest na ‘yan, ewan ko ba.

“Pero hindi naman ‘yun ang punto ko kaya ako sumali, gusto kong ma-experience, bonus na lang kung nanalo at kung hindi, okay lang din,” pahayag pa ng aktres.

Walang isang milyon ang napanalunan ni Ibyang sa Kapamilya Deal or No Deal, pero hindi naman siya umuwing luhaan.

Anyway nakapag-taping na raw si Sylvia ng Pangako Sa ‘Yo bilang ina ni Angelica Panganiban.

“Oo, nanay ako ni Angelica, two weeks episode lang ako roon, guest lang ako,” sabi ng aktres.

So, wala pa ring regular show si Sylvia ngayon sa ABS-CBN, ”wala pang offer, ha, ha, ha, ha,” masayang tinig na sabi sa amin.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *