Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / You’re My Boss, malaking hamon sa kakayahan ni direk Antoinette (Expectation ng Star Cinema, mataas)

You’re My Boss, malaking hamon sa kakayahan ni direk Antoinette (Expectation ng Star Cinema, mataas)

ni Eddie Littlefield

033015 toni coco

SUPER enjoy si Coco Martin kahit halos walang tulog habang ginagawa nila ni Toni Gonzagaang romantic comedy film na You’re My Boss na isinulat at idinirehe ni Antoinette Jadaone under Star Cinema. Almost every day ang shooting nila dahil showing na ito on April 4.

Sabi nga ni Coco, ”First time ako sa ganitong role. Ang sarap ng pakiramdam. Nabigyan ako ng chance na makatrabaho si Toni at si Direk Antoinette. Isa ito sa pinakamagaan na pelikulang nagawa ko.”

Say naman ni Toni, ”Hindi kami napi-pressure ni Coco, hinahayaan kami ni Direk gawin ang gusto namin sa eksena. It’s another experience working with Direk Antoinette. Sa set, walang nagrereklamo kahit almost every day ang shooting. Lahat masaya kahit puyat kami sa set.”

Kahit first time makakatrabaho ni Coco sina Toni at Direk Antoinette, madali naman siyang nakapag-adjust sa mga ito. Marami raw siyang natutuhan sa dalawa. ”Sobrang hirap ko rito sa pelikula, nakaka- 4 to 5 take ako. Bago kasi ako sa ganitong genre, kahit nahirapan ako maganda naman ang kinalabasan kaya happy ako,” turan ng Prince of Indie.

READ MORE:  Deadma si Zsa Zsa!

Hindi nahirapan si Direk Antoinette sa gusto niyang mangyari sa bawat eksena dahil parehong professional sina Toni at Coco. ”’Yung timing nakukuha nila. Sobrang perfect ang kanilang timing. Si Toni, may pagka-perfectionist, si Coco naman mabilis ang pick-up. Sobrang happy ako dahil napaka-cooperative nila kahit tuloy-tuloy ang shooting namin,” pahayag ni Direk.

Palibhasa naging box-office hit ang huling pelikula ni Direk Antoinette na That Thing Called Tadhana nina JM De Guzman at Angelica Panganiban kaya mataas ang expectation sa kanya ng Star Cinema. Say ni Direk, ”More than pressure… I’m grateful dahil binigyan nila ako ng chance maidirehe sina Toni at Coco. Happy naman ako sa mga nakunan naming eksena. Natural ang chemistry nila, may comedy si Coco, hindi palang niya nailalabas ‘yun.”

Expectation ng Star Cinema, mataas

Mataas din ang expectation ng Star Cinema na kikita ang pelikula nila ni Coco dahil puro box-office hit ang kanyang mga pelikula. Super blockbuster ang Starting Over Again with Piolo Pascual na kumita ng almost P500-M, both domestic and international. ”Eversince na nag-first shooting kami, hindi bumababa. Expect for the best, hope for the best. Lalabas kayo sa sinehan na nakangiti. Naniniwala ako sa project, perfect timing talaga si Direk Antoinette,” aniya.

READ MORE:  Direk Joey, nabahag ang buntot kay Tito Alfie

Hindi naging madali para kay Direk Antoinette na gawan ng material sina Toni at Coco. Paliwanag niya, ”Big challenge is the romcom (romantic comedy), iba si Toni, iba si Coco sa mga character na ginawa nila.”

READ MORE:  Dennis, nalula sa rami ng nanood ng Felix Manalo

Singit naman ni Toni, ”Si Direk is very organic, what you see is what you get.”

Mismong si Toni ang nag-suggest kay direk Olivia Lamasan at Malou Santos na si Coco ang gusto niyang makapareha sa pelikula. Inamin ng actor na pinangarap din niya makatrabaho ang Ultimate Multi-Media Star. Nang i-offer kay Coco ang movie project at si Toni ang kanyang leading lady, agad nitong tinanggap ang project. ”Inaalalayan ako ni Toni sa mga eksena namin, igina-guide niya ako same with Direk. May mga English words akong linya, hindi ako marunong mag-English. Ibinubulong ni Toni sa likod ko, nagko-coach siya sa akin,” natatawang kuwento ni Coco.

 

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved