Saturday , April 20 2024

Jeane Napoles nalusutan sina De Lima At Mison (Setyembre 28 (2014) pa pala nasa bansa!)

jeane napolesSINO kaya ang nagtutulog-tulugan ‘este natutulog sa pansitan at hindi man lang napansin ang pagdating ng anak ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles na si socialite Jeane Catherine Lim Napoles?!

Si Jeane Catherine Lim Napoles, ang anak ng nakahoyong pork barrel scam queen, na feeling anak nang hari at reyna kung maglamyerda,mag-shopping at pumorma sa Amerika at sa iba pang bansa na kumalat noon sa mga social site.

Kunsabagay, reyna naman talaga kung tawagin ang kanyang ina — reyna ng mga mandarambong sa pera ng bayan.

Ang batang Napoles ay nahaharap sa P32.06-milyong tax evasion sa Court of Tax Appeals matapos kasuhan ng Department of Justice (DoJ).

Base sa impormasyon na nakarating sa atin, Setyembre 2014 pa pala nang dumating sa bansa ang batang Napoles sakay ng SQ-918 dakong 11:45 ng gabi pero mukhang hindi itinimbre kay Immigration Commissioner Siegfred Mison ng kanyang mga tauhan sa NAIA.

Ganon ka ba kadaling napapalusutan, Mr. Commissioner!?

Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at pati trabaho mo ay napapabayaan mo na yata!? Hindi malayong pati si  SOJ Leila De Lima ay mapahamak sa ‘yo!?

Aba’y kung ganyan ang trabaho mo, dapat ka nang sibakin ni PNOY diyan sa Immigration!

Kung hindi pa may nakakilala kay Jeane Napoles nang makita siya sa isang five star hotel diyan sa Pasay City kasama ang kanyang mga kapatid at ama na ini0post sa FB ay hindi pa malalaman ng sambayanan na naririyan na pala si Jeane.

Si Jeane, ang anak ni Napoles ay sinampahan ng kaso ng DOJ dahil din sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC).

Natuklasan ng DOJ na ‘nakakuha’ ng condominium unit sa Ritz Carlton sa Los Angeles, California na nagkakahalaga ng P54.73 milyones at may share katumbas ng P1.49 milyon sa Bayambang, Pangasinan noog 2012.

Si Jeane ay hindi umano naghain ng income tax return (ITR) noong 2011 at 2012.

Kung ganito kabigat ang kasong kinakaharap ni Jeane pero nakalusot sa ‘mapagbantay’ na mata ng Bureau of Immigration (BI), hind malayong isipin na marami nang nakalusot  na ‘most wanted’ sa mga taga-BI d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kakatwa talaga ang mga taga-Immigration na pagkahigpit-higpit sa mga overseas Filipino workers (OFWs) pero pagkaluwag-luwag sa mga dapat nilang bantayan nang mahusay.

Ito naman si SOJ Leila De lima, sa dami ng epal ‘este sinasakyang issue ay “too late the hero” na rin na nag-issue (nitong March 19,2015) ng LOOK-OUT BULLETIN (dating watchlist) laban kay Jeane Naploes!

Anak ng tungaw! Ano ba naman ‘yan!?

Aanhin pa ang damo kung napapalusutan kayo ng kabayo!?

Ipadampot na agad ‘yan si Jeane Napoles, Madam Leila De Lima nang sa gayon naman ay mapaniwala ninyo ang sambayanan na hindi drawing ang ‘LBO’ at mga kasong isinampa ninyo!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *