Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Binusabos ang Manileño

Binusabos ang Manileño

00 Kalampag percyHINDI na nga magkandaugaga ang mga pobreng Manileño kung paano matutustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya, sila pa ang pinaghahanap-buhay ng mga magnana-kaw sa Manila City Hall.

Tostado na ang ba-lat sa pagtitinda sa bangketa at pagpasada ng padyak sa kalye para may maibayad sa mga naglipanang kotongero mula sa City Hall, sinusunog pa ang kanilang mga tahanan para mapagtayuan ng negosyo ng malalaking negos-yante ang kanilang lugar.

Gaya na lang ng malaking sunog sa Parola na hanggang ngayon ay palaisipan kung sinadya para masakop ng katabing lote na pinagtatayuan ng arastre ni Manny V. Pangilinan sa Manila International Container Port (MICP).

Si MVP ay isa sa mga co-accused ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa kasong pandarambong.

Ayon kay dating rehab czar at former-Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, si Erap ang gumawa ng paraan para mapasakamay ni MVP ang PLDT.

Ibinulgar ni Lacson sa kanyang privilege speech noon sa Senado na sapilitan o puwersahang inagaw ni Erap ang malaking share ni Ambassador Alfredo T. Yuchengco na napunta kay MVP.

Huwag na rin tayong magugulat kung mu-ling masunog ang matandang Pritil Market na pinaplanong pagtayuan ng Save More Supermarket.

Kung maabo ang City Jail at Central Market, huwag na tayong mabibigla dahil matagal nang naglalaway si Erap na ibenta ito kahit hindi naman pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Nauna nang nasunog ang PNB Bldg. sa Escolta na tila nasungkit na rin ng kapanalig ng sentensiyadong mandarambong.

Kasaysayan na kasi sa lungsod ng San Juan na nasusunog ang mga lugar na pagkakakitaan, tulad ng mga kabahayan sa Corazon de Jesus at ang Agora, dating pampubliko na naging pribadong palengke na pag-aari ng nanay ni Sen. JV Ejercito na si Mayor Guia Gomez.      

Orange Card at Philhealth gamit sa pangungurakot

ITINAAS ng 300% ang mga buwis sa Maynila para raw makapangalap ng pondo ang siyudad alinsunod sa Ordinance 8331, kasama ang paniningil ng bayad sa mga dapat ay libreng serbisyo sa anim na pampublikong ospital ng lungsod.

Pero hindi pa rin libre ang serbisyo kahit may Orange Card, sa bisa ng isang resolusyon ay inaprubahan ang paglalaan ng City Hall ng P150-M para ipambayad sa mga medical bill nila.

Malaking katarantadohan ito dahil ang PhilHealth ay binabayaran din ang medical expen-ses ng kanilang mga miyembro sa mga ospital o pasilidad kung saan sila nagpagamot.

Hindi ba malaking kalokohan na ang Orange Card holder ay nagagamit pang sangkalan sa pangungurakot dahil dalawang beses na nababayaran sa ospital ang kanilang tinamong serbisyo, na kung tawagin ay “double jeopardy” o doble-katay?

Gaya na lamang ng dialyisis center na itinayo ng B. Braun Medical Supplies Philippines Inc., isang pribadong kompanya na pinayagang gumamit ng libreng pasilidad sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital.

Bakit ang mga pasyente sa pampublikong ospital ay sinisingil ng bayad sa dialysis treatment kahit Orange Card holder pero kumokolekta pa ng reimbursement mula sa PhilHealth at City Hall?

Samakatwid, hindi dalawa, kundi tatlong beses ang bayad na sinisingil sa serbisyo ng ospital na dapat sana ay libre.

Hindi ba dapat ukilkilin at halukayin nang husto ng Commission on Audit (COA), gaya ng ginawa nito sa pork barrel ng mga mambabatas?

Manileño ang kumakayod sila ang nagpapasasa

DAPAT isama ng COA sa pagbusisi ang mga koleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa parking fees at sa towing cum carnapping business ng mga kompanyang binasbasan ni VM Isko Moreno.

Gaano kalaki ang remittance sa kaban ng Maynila ng RMW na may 30 tow trucks at PMA Towing Services, Inc.,  na may 10 Tow trucks na walang ginawa kundi sapilitang hilahin ang mga sasakyan kahit nasa loob ang mga tsuper?

Ang koleksiyon sa illegal terminal ng UV Express at jeepney ay napupunta kaya sa pa-mahalaang lokal at hindi sa bulsa nina Isko, Ligaya and Company?

Ang ibinabayad na goodwill at kinokolektang butaw ng bus operators ay kaninong bulsa kaya pumapasok, gayundin ang multa mula sa violations tulad sa loading-unloading ng mga PUV (bus, taxi at jeep) at sa kada biyahe ng mga container truck?

Ilang buwan na lang, simula na naman ang kampanya para sa susunod na panloloko, este, halalan sa 2016 pero hanggang ngayon ay walang maipakitang proyekto ang mga buwayang nakaupo sa City Hall na noong nakaraang elek-siyon ay pinangakuang bibigyan ng trabaho ang mga jobless na Manileño.

Sa susunod, isa-isa nating idedetalye ang mga pinagkaperahan sa Maynila na nagpataba sa bulsa nina Erap, Isko at ng mga “Konsuhol.”

Abangan!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

COMMENTS
READ MORE:  Extrajudicial killings dapat resolbahin ng law enforcer agencies

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved