Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘‘Lame duck President na si PNoy”

‘‘Lame duck President na si PNoy”

 00 pulis joeyITO ang ipinahayag ng isang kilalang UST professor at political analyst.

Mahihirapan na aniyang makabawi pa si PNoy sa pagbagsak ng kanyang approval at trust ratings matapos ang Mamasapano incident, na 44 PNP-SAF ang nasawi sa isang napakadelikadong misyon na ipinagkatiwala ng Pangulo sa isang suspended PNP Chief at hindi ipinaalam sa liderato ng AFP at maging sa OIC ng PNP.

Dapat umanong inamin at nag-sorry agad noon ang Pangulo sa kanyang naging maling hakbang sa Mamasapano mission.

Sa nalalabing 14 months ni PNoy sa Malakanyang, nagtala ng all-time low ratings sa mga nagdaang Presidente ng bansa.

“Lame duck President na talaga siya nga-yon,” sabi ng naturang professor at political ana-lyst.

Pero sa lumabas na survey kamakailan ng Pulse Asia kung payag o hindi payag sa re-signation ni PNoy, mas marami ang disgusto na mag-resign ang Pangulo.

Siguro dahil papalit ang Vice President na si Jojo Binay na akusado sa maraming kaso ng katiwalian na hindi maipaliwanag sa taong ba-yan tulad ng overpriced Makati Parking Building 2, overpriced Makati Science High School at mga tagong yaman.

Samakatuwid, gusto na lang nang mas maraming Pinoy na  hintayin ang eleksyon sa Mayo 9, 2016 para makapamili nang malinis sa hanay ng mga presidentiable.

Ang mga pumupormang tatakbo sa pagkapangulo sa 2016, bukod kay VP Binay, ay sina DILG Secretary Mar Roxas, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senador Grace Poe, Senador Miriam Defensor-Santiago at Senador Bongbong Marcos.

Sa latest survey ng Pulse Asia, si Binay ang nangunguna na may 29%, sumunod si Poe na may 16%, Duterte at Erap na kapwa may 12%. Si Roxas ay kulelat sa kanyang 6%.

Magbabago pa ito habang nalalapit ang halalan.

Subaybayan! 

Pangit na pagto-tow sa Maynila

Mr. Venancio, hindi naman yata tinitigil ang pangit na pagto-tow sa Maynila. Akala mo mga carnapper lang ang peg. Hindi manlang nag-iwan ng mensahe sa guard na nakikita na kinuha nila ang motor kaya akala ng may-ari na-carnap! Nangyari lang ito noong Lunes sa tapat ng SSS Binondo, at dalawang  beses pa sila umikot. Samantalang di naman nakakasagabal ang motor, kasi nasa bangketa ng SSS. Nakakatakot ang ginagawa nila, lalo na kung bago ang motor basta nalang nila bubuhatin at itatapon ng walang ingat sa trak. Sana wag naman ganun? Ano ba rules para mag-tow? Sana linawin ito pati narin sa Quezon City, yung pulis sinusuntok na ang driver ng motor. Sana wag naman ganito, parang carnapper lang sila. – 09431295…

Ipinatigil na noong Martes ni Vice Ma-yor Isko Moreno, ang hepe ng Manila Traffic and Parking Bureay (MTPB), ang operasyon ng towing sa Lungsod. Huwag na sanang ibalik pa ang towing na ito. Dahil ugat lang ito ng pang-aabuso, gulo at corruption.

Rugby/solvent boys, snatcher sa harap ng Manila City Hall

Mr. Venancio, hindi ba kayang hulihin ng mga pulis ang nagra-rugby na mga kabataan sa harap mismo ng Manila City Hall? Lapit lang sila sa underpass!!! Mga snatcher ng estudyante ito kapag bangag na! Ano ba ito, Erap at Isko? Puro lang kayo porma! – 09372327….

Piyesta ang mandurukot sa LRT, Brgy. 83, Pasay City

– Sir Joey, paki-aksiyunan naman yung mga mandurukot dito po sa Pasay Rotonda, sa LRT, Brgy. 83 Sona 10. Wala na kami mahingan ng tulong. Halos magkabanggaan ang mga siko sa dami nila. Paki-tulungan naman kami. Mga mandurukot dito mga alaga ng mga pulis sa PCP 4. Kawawa ang mga biktima nila. – 09098774…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS
READ MORE:  Give the Bureau of Customs a chance

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved