Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Anyare Ms. Melissa Mendez?

Anyare Ms. Melissa Mendez?

00 Bulabugin jerry yap jsyMAINIT na pinag-uusapan ngayon ang huling insidenteng kinasangkutan ng isang aktres, ng isang modelong lalaki at kaibigan nitong sinabing miyembro ng influential family sa Pagadian City.

Pare-pareho silang pasahero sa isang eroplano pero ang aktres na si Melissa Mendez lang ang pinababa dahil umano sa kanyang pananakit at walang tigil na pagbibitiw ng hindi magagandang salita.

Wala akong gustong kampihan sa insidenteng ito, pero unang-una, nakagugulat na naibuyo si Ms. Melissa Mendez ng isang sitwasyon na gaya nito para magmukha siyang isang mal-edukadang babae.

Pero nanliit naman ako sa sarili ko bilang isang lalaki, kung totoo mang sinabi ni Rey Pamaran, ang kaibigan ni Andrew Wolff at tinutukoy na mula sa maimpluwensiyang pamilya sa Pagadian, ang mga katagang “hahampasin ng bag” at “alis d’yan ang baho ng hininga mo.”    

This attitude for a man is very much uncalled for and very ungentleman.

Ang tatlong nasasangkot sa insidenteng ito ay hindi dapat umaarte nang gaya ng pinaggagawa nila sa harap ng iba pang pasahero sa eroplano dahil sila ay public figure and supposedly acting like a role model.

Puwede pa nating unawain kung hindi nila kayang maging role model. Just stay silent. Hindi katulad n’yan na daig pa nila ang pusang kalye (pusakal) at asong gala (asgal) na nagkatitigan lang ‘e bigla nang nagkalmutan.

Ang lastly, matatanda na kayo ‘no! Huwag na kayong pasaway!

Manila TASBU ‘este ASBU dagdag-pahirap sa Maynila!?

PAHIRAP sa mga motorista ngayon sa lungsod nina ISKORAP (Isko-Erap) ang grupo ng ANTI SMOKE BELCHING UNIT (ASBU) na pinamumunuan ng isang Marlon D.

Alam ng lahat na ang pampasaherong jeep (PUJ) pinapagana ng surplus diesel engine kaya naturalmente na maitim ang usok nito.

Kaya kadalasan ay bagsak sa smoke-test ang mga PUJ na ginagawang ‘pangkabuhayan’ ng ilang tulisan diyan sa Manila ASBU.

Kaysa mabaklasan ng plaka, mapipilitan maghatag ang mga nabibiktimang jeepney drivers para hindi na maabala.

‘Yung iba naman tutubusin depende sa ‘cash-unduan’ na half-price ang multa without resibo.

Sonabagan!!!

Hindi pa kasama riyan ang ‘tongpats o tara’ sa ilang transport group para exempted sa smoke-test.

Kaya naman hindi na rin mapugot ang hinaing ng mga pobreng jeepney driver na pumapasada sa Maynilaa.  Wala na raw bang katapusan ang pangongotong sa kanila ng mga bata ni Erap?

ASBU Chief Marlon, anyare na raw sa naging meeting n’yo sa mga driver ng rutang SM San Lazaro-Tayuman-Pritil at sa rutang kanto ng Rizal Avenue at Tayuman St., isang Linggo ng umaga?

Nadagdagan na ba ang ‘livelihood project’ ninyo?

Nagtatanong lang po!

May kumita ba sa CAAP upgrading ng emergency services unit?

TILA namumula na naman ‘daw’ ang hasang ng ilang opisyales ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) makaraang matuloy ang sinasabing upgrading ng Emergency Services Unit ng nasabing government agency.

Sa impormasyong nakalap ng inyong Bulabog boys, bilyon ang halaga ng brand new fire-fighting vehicles gaya ng high-speed fire trucks na sinuri sa Port of Batangas over the weekend.

Kaya naman pala abot tenga ang ngisi ng mga miyembro ng ‘KOMITA’ ‘este komite na nasa likod ng successful purchase of highly expensive fire fighting vehicles na inangkat pa mula sa Wisconsin based company na Oshkosh Corp ng ‘Tate.

Sa ginawang praise ‘este press release na ‘nilahukan’ ng katakot-takot na pampapoging pahayag na pinangungunahan nina CAAP chief of Staff and Deputy Director General for Administration OIC Gen. Artemio Orozco at Col. Rey Avilla, CAAP Executive Assistant, ang pagkakabili sa 41 units ng custom-built ARFFs ay idinaan sa competitive bidding.

Oww really!?

Ang 4 units ng 6×6 trucks with 12,000-liters water capacity at 37 units ng 4×4 with 6,000 liters capacity ay may kabuuang halaga na P1.3 billion.

Wowowee! Tweet! Tweet!

Buong pagmamalaki pang inihayag nina Orozco at Avilla na ang 41 units ng high tech fire trucks ay nagtataglay ng 8 sets of banker suits, forcible tools tulad ng circular saw, ax, cutting tools, 75 kls vaults generator sets at self-contained breathing apparatus (SCBA) at dalawang spare tires na may maximum speed na 113 km/hr.

Sinabi ng dalawang opisyal, na sobrang luma na umano ang ginagamit na 86 fire trucks na nabili ng CAAP noon pang 1970 at 1980. 

Kaya naman para maitaas ang kalidad ng Airport Rescue Fire Fighting (ARFF), tinugon ng CAAP ang hinihiling ng International Civil Authority Organization (ICAO), Federal Aviation Administration (FAA) at European Union international standards for aircraft and rescue fighting requirements.

Nakatakda na umano ang distribution process ng mga nabanggit na sasakyang pamatay-sunog sa major commercial airports ng bansa tulad sa Palawan, Kalibo, Iloilo, Davao, Laoag at Bacolod, habang ang mga luma ngunit magagamit pang fire trucks ay dadalhin CAAP run airports.

Ang tanong: Lahat kaya sila sa CAAP ay HAPPY, Mr. Eric Apolonio, CAAP spokesman?

He-he-he…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS
READ MORE:  Modus operandi ng mga kriminal pakner in crime “foolish cop”

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved