Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Survey: Mas marami ang ayaw ng ‘Resign PNoy’

Survey: Mas marami ang ayaw ng ‘Resign PNoy’

00 pulis joeySA lumabas na survey ng Pulse Asia kahapon, mas marami parin sa ating mga kababayan ang ayaw pagbitiwin o mag-resign sa pagka-Pangulo ng bansa si Benigno “Noynoy” Aquino, sa kabila ng matitinding mga batikos dito kaugnay ng Mamasapano incident at makakuha ng all-time-low approval at trust ratings.

Sa 1,200 respondents, 42 percent sa mga ito ay disagree o hindi pumapayag sa panawagang pababain sa puwesto si PNoy.

Samantalang 29 percent lamang ang may gusto na mag-resign ang Pangulo. Habang 28 percent ang undecided o nag-iisip pa.

Sa National Capital Region (NCR) na updated sa mga nangyayari at resulta ng Mamasapano probes (ng Senado at Board of Inquiry), 45 percent ang gustong manatili sa puwesto si PNoy, habang 31 percent lamang ang ayaw na sa kanya, at 24 percent ay undecided.

Sa bahagi ng Luzon, 47 percent ang disagree mag-resign si PNoy, habang 29 percent ang ayaw na sa kanya, at 24 percent ang undecided.  

Sa Visayas, 34 percent ang ayaw pababain ang Pangulo, habang 29 percent ang gusto siyang mag-resign.

Maging sa Mindanao, 39 percent ang gustong manatili sa puwesto si PNoy, habang 26 percent lang ang ayaw na sa kanya.

Sa tingin ko, kaya mas marami ang ayaw pagbigtiwin si PNoy ay dahil ang uupo na si Vice President Jojo Binay ay nahaharap sa maraming kaso ng katiwalian bukod pa sa political dynasty.

Si VP Binay ay may mga kaso ng Graft and Corruption at Plunder sa Ombudsman.

Ang kanyang anak na si Makaty City Mayor Jun Binay ay suspended ng 6 months dahil sa katiwalian regarding sa overpriced Makati Parking Building 2.

At ang kanyang misis na si Doktora at ex-Mayor ng Makati City ay nakalalaya lang sa bail sa kasong Graft sa Sandiganbayan.

Ang pamilya Binay ay 28 years nang nagme-mayor sa Makati City since 1986 nang italagang OIC ni late ex-Presidcent Cory Aquino si Jojo Binay, na pagkatapos ng kanyang 9 years term ay umupo ang kanyang misis ng isang termino (3 years), tapos bumalik uli siya ng 9 years at pagkatapos ay ang kanyang anak ngayon na si Junjun.

Ang dalawang anak na babae ni VP Binay ay kapwa rin sa politika – si Nancy ay senador at si Abigail ay kongresista. Political Dynasty sila.

Kung wala lang siguro ang mga kasong ito ng katiwalian at isyung ito sa mga Binay, malamang wala isa man ang gusto pang manatili na Presidente si Noynoy Aquino. Pramis!

Kaya, let’s wait Mayo 2016 nalang… para makapamili ng presidentiable na hindi kuba at sakang maglakad, may military background, may isang salita, hindi bolero, hindi naninisi, walang kaso ng katiwalian sa pagiging public servant at kumpleto ang buhok!

 

Hinaing ng mga parking collector ng Maynila

PUMUNTA sa aking tanggapan kamakailan ang mga parking collector ng Maynila.

Inirereklamo nila ang sobrang panggigipit at panloloko sa kanila ng kanilang mga hepe sa Manila Parking Management (MAPMA) sa Manila City Hall na pinamumunuan ni Gener Guci.

Ayon sa mga parking attendant/collector, masyadong malaki ang kanilang kota. Nagre-raise mula P1,500 hanggang P3,000. Depende sa puwesto o lugar kungsaan sila naka-assign.

Kapag hindi anila makuha ang kota ay tinatanggal sila sa puwesto.

Ang parking tiket ay P30.00. Ang napupunta sa kanila rito ay P6.00 bilang komisyon. Wala silang suweldo o anumang benepisyo sa kanilang trabaho.

Ang masaklap pa rito ay kinukunan sila ng “cashbond” na P50.00 kada Sabado. Tapos kapag tinanggal o mag-resign sila sa trabaho ay hindi naman ibinibigay sa kanila ang naturang bond.

Noong panahon ni Mayor Lim, hindi anila ganito kasama ang palakad sa MAPSA ng noo’y hepe nilang si Nancy Villanueva.

Sa tingin ko ay Vice Mayor Isko Moreno lang ang makakapag-ayos ng problemang ito ng mga parking attendant.

Vice Isko, Senator to be, mga taga-Tondo ang mga parking collector na ito. Mga botante mo ito sa simula’t simula pa. Aba’y ayusin mo naman ang sitwasyon nila sa kanilang  trabaho. Aksyon, Mr. Senator to be…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS
READ MORE:  Libreng bakuna ng DOH panganib sa kalusugan ng mga mag-aaral?!

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved