Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / RWM at PMA Towing Services boundary na?! (Paging BIR Chief Kim Henares)

RWM at PMA Towing Services boundary na?! (Paging BIR Chief Kim Henares)

00 Bulabugin jerry yap jsyPAGKATAPOS kumalat ang balita na tatakbong Senatong ‘este Senador si Manila Vice Mayor Isko Moreno, bigla niyang ipinatigil ang operasyon ang dalawang ‘notoryus’ na towing company sa Maynila — ang RWM at PMA towing companies.

Bakit kaya biglang ipinatigil?

Dahil daw sa sandamakmak na reklamo? E halos dalawang taon nang nirereklamo ang walanghiyang towing na ‘yan ‘di ba!?

Dahil ba may papasok na bagong kompanya? Hindi nagkasundo sa hatian? O dahil boundary na ang ta-kits nila?!

Mas marami ang humuhula na ang tamang sagot d’yan ‘e dahil BOUNDARY na ang ta-kits ng dalawang towing companies.

Milyon-milyon ang kinita ng dalawang (2) towing company na ‘yan!

Pero meron pang nalalabing 14 na buwan bago ang eleksiyon sa 2016, pwede pang HUMATAW!

O baka naman dahil pinaghahandaan na niya ang muling pagpapaguwapo dahil sa planong tumakbong Senador?!

Anyway, alinman man d’yan ang dahilan, dapat busisiin ng hepe ng Rentas Internas na si Madam Kim Henares kung magkano ang kinita ng RWM at PMA towing. Nag-isyu ba sila ng legal na tiket?! Nagbayad ba sila ng buwis sa pamahalaan?! 

Aba ‘e dapat lang busisiin ni Madam Kim ‘yang RWM at PMA towing ganoon din ang iba pang towing companies na umaabuso sa kanilang panghuhuli at pambibiktima.

Baka hindi alam ni Madam Kim na mas marami pa ang umaareglo kaysa nagmumulta na tumatanggap ng resibo.

Busisiin na ‘yan!

Lagpak pa rin ang anti-illegal drug campaign ng MPD

SA KABILA nang malawakang operasyon ‘kuno’ ng Manila Police District (MPD) laban sa ilegal na droga parang kulang pa rin dahil sa sandamakmak ang naglulungga at namumuhay sa sistema ng pagtutulak o pagbebenta nito sa Kamaynilaan.

‘Yan ang nagdudumilat na katotohanan ngayon sa Maynila sa ilalim ng pamumuno nina ISKORAP (Isko-Erap).

Noong panahon ni Mayor Alfredo Lim talagang masasabing malinis ang Maynila dahil kumakaripas na tumatakbo palabas ng lungsod ang mga bigtime drug dealers pati na rin ang small time drug street peddlers.

Pero ngayon ay nakapagtatakang lumakas ulit ang bentahan ng shabu sa anim (6) na distrito ng Maynila.

Anyare MPD DD Gen. Rolly Nana!?

Isa na ang BASECO COMPOUND na nasa ilalim ni MPD PS-5 commander Kernel Macapal ‘este Macapaz na hindi lang iskoran ng ‘bato’ kundi nagkalat rin ang mga  shabu den.

Ang Parola Compound na nasa ilalim naman ng MPD PS-2 ay nagkalat rin ang mga tulak ng ‘bato.’

Hindi ba MPD Best station at PCP ang PS-2 at DELPAN PCP Gen. Nana sir? ‘E bakit hindi nasasawata ang mga demonyong tulak d’yan!?

Pakisudsod na rin nga ang mga tulak sa KAGITINGAN, ASUNCION at MORIONES sir!

Sa AOR naman ni MPD-PS1 Commander Kernel Ulsano lalo na sa area ng Don Bosco PCP ay halos lantaran na at parang kendi ang shabu sa paligid ng palengke at sa likod din ng Smokey Mountain PCP.

Kernel Ulsano, kung may time ka ‘e  pakigalugad mo ang Gagalangin St., Tondo na nasa likod ng isang eskwelahan na nagiging pugad na ng mga ‘tulak’ diyan sa Gapan St.!

Galing daw sa Malaya St., Balut ang mga ikinakalat na droga diyan sir!

Shabu, marijuana at kahit dose/valium e nakakaiskor daw diyan.

Sa AOR naman ng MPD PS-7 sa ilalim ni Kernel Villanueva, madalas daw silang nakakahuli ng mga pusher base sa pino-post nila sa kanilang Facebook account.

Pero ang tanong ng mga residente bakit lalong nagiging talamak ang bentahan ng shabu diyan sa Batangas St., tagusan ng Yuseco at Laguna extension?!

Puro lang daw sa Hermosa St., nakatutok ang mata ni Kernel Villanueva!? Lingon lingon din sa Antipolo, Perpekto at Dagupan streets!

Papostehan din ang lugar ng Almeda na madalas na may kaguluhan sa gabi kapag sabog na ang mga adik sa lugar na ‘yan.

Sa MPD PS- 4, malakas na rin ang salyahan ng droga sa tabing-riles at sa MPD PS-8 ‘e everyday happy pa rin ang mga  ang mga ‘tulak’ sa Muslim area sa Quiapo.

Sa area naman ng MPD PS-9, riyan mismo sa paligid ng DLSU ay may salyahan rin ng droga sa mga bar lalo na kung Huwebes na tinatawag nilang ‘happy Thursday.’

Gen. Rolly Nana, ano nga ho ‘yun pinagmamalaki ninyo ni Yorme Erap na maayos na ang peace & order sa Maynila!?

What the fact!?

Cannot be reached pa rin si OWWA Chief Calzado sa repat OFWs

BUNSOD nang lumalalang tensiyon sa Yemen, focus ngayon ang pamahalaan para magbigay ng tulong sa mga nagsisilikas na mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) na nagparehistro bilang panimulang proseso para sa isasagawang Mandatory Repatriation.

Sa pagkakataong may pagkilos para tulungan ang Pinoy workers sa ibayong dagat ay inaasahang magpaparamdam si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Adminsitrator Rebecca Calzado.

Kaya lang ay ‘di sure kung personal siyang aalalay sa ipatutupad na repatriation move ng government team.

“OWWA is part of the Crisis Management Team  (CMT) composed of  officials from the  DFA and the Department of Labor and Employment (DOLE). The CMT continuously monitors  the situation of countries experiencing crisis to ensure that our OFWs working there are safe.  If immediate action is needed, the CMT automatically activates its committees to respond to the situation,” ani Calzado.

Sa ngayon, sa notebook ni Administrator Calzado, since 26 January 2015, there are 2,391 OFWs working in Yemen as nurses, household service workers (HSWs), supervisors, technicians, mechanics, engineers, among others.

Ang patuloy na gulo sa capital city of Sana’a ng mga Houthi rebels and the recent suspension of many embassies in the Yemeni capital were the basis for the DFA’s heightened alert level.

Kaya naman agad umapela at nakiusap ang OWWA  sa mga kaanak ng OFWs  in  Yemen to  convince their loved ones to come home.

On the record, dagdag ni Calzado, nitong taon 2011, OWWA assisted about 1,000 OFWs who returned from Yemen due to the  political instability.

By the way, nakarating sa kaalaman natin na may malubhang karamdaman daw ang kabiyak ni Ma’am Rebecca kung kaya’t ‘di siya nakapagbibigay nang personal assistance sa repatriates.

Pero hindi rason ‘yan na ‘di bigyan ng pansin ng OWWA at aluhin sa kanilang kalungkutan ang umuuwing luhaang OFWs no matter what.

Ano sa palagay ninyo? Or else, turn over the post to another person na makapagbibigay ng panahon tulad ng ginawa noon nina former OWWA chief Wilhelm Soriano, Eli Gardiner at Carmelita Dimzon.

Think of it Madame Calzado!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS
READ MORE:  Si Grace, Sheryl at Imran, ukay-ukay smugglers

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved