Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Deles at Ferrer pabor sa MILF

Deles at Ferrer pabor sa MILF

USAPING BAYAN LogoKUNG natatandaan ninyo noong huli kong kolum ay naitanong ko kung: “Bakit nga ba mas mukhang tagapagsalita ng MILF sila Aling Teresita Deles at Miriam Coronel Ferrer kaysa lingkod ng Republika ng Pilipinas?” Sinagot ng senado ang tanong na ito sa pagsasabi sa kanilang report kaugnay sa kanilang pagdinig sa ginawang masaker ng Moro Islamic Liberation Front at katoto nitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa 44 na pulis sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon sa senado, sila aling Deles at Ferrer ay nasobrahan ng kanilang pakikisangkot sa usa-pang pangkapayapaan at dumating na sa puntong ang MILF na ang kanilang ipinagtatanggol. O ayan nasa report ‘yan ng senado ha…wala na sigurong magdududa na interes ng MILF ang dala-dala ng dalawa. Ngayon ‘di pa ba kayo magre-resign na dalawa? Hmmmm…. sana dun na kayo tumira sa Mamasapano tutal mukhang lab na lab ninyo ang MILF na ibig bumiyak sa ating republika. Ano palagay ninyo mga kababayan ko?

* * *

Marami ang nagsasabing kung ang espesyal nating pangulong si BS Aquino ay nakiramay nuong unang madala ang mga labi ng mga minasaker na pulis sa Villamor Air Base at kaagad na inako ang responsibilidad sa pamamagitan ng pakikiramay at paghingi ng paumanhin at kung hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa ay wala na sanang isyu ngayon. Kung hindi sana nagturo si Boy Sisi ay wala na sanang mga tanong na lumulutang at hindi na sana lumagpak ang kanyang rating. E, kaso di nagkakamali ang espesyal na Pangulong BS Aquino kaya nagmamatigas siya hanggang ngayon. Perpekto ang daigdig nya e…

 * * *

Kung hindi minasaker ng MILF at BIFF ang 44 na pulis na yumari kay Marwan, ang teroristang Malaysian, ay natuloy sana ang BBL at tuluyang nabiyak ang republika sapagkat ang batas na ito ay magiging daan para matayo ang isang maliit na bansa ng MILF sa Mindanao. Mantakin ninyo magkakaroon ng mallit na ibang bansa na isponsor ng Malaysia sa Mindanao dahil sa BBL. Isipin na lamang na kasabay ito nang pagkamkam ng People’s Republic of China sa Panatag shoal at ibang lugar malapit sa Zambales at Palawan. Isipin pa rin na patuloy ang illegal na pangingisda ng mga Vietnamese sa West Philippine Sea samantalang pinagsasamantalahan naman ng Taiwan ang karagatan malapit sa Babuyan islands….haaay biyak na biyak na ang ating bansa. ANO ANG GINAGAWA MO BS AQUINO SA MGA SULIRANING ITO? MUKHANG WALAAAAAAAAAA

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 093993851 

COMMENTS
READ MORE:  Journalists live dangerously corrupt journalists not included

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved