Saturday , April 20 2024

Wish ni Sharon sa daughter na si KC non-showbiz guy naman (Huwag na raw sanang umibig sa artista)

112814 sharon kc

00 vongga chika peterPAGDATING sa kanyang lovelife ay hindi open si KC Concepcion sa kanyang mom na si Sharon Cuneta.

At naiintindihan naman raw ni Shawie ang bagay na ito lalo’t alam niyang ayaw lang siguro siyang maapektohan ng kanyang mega daughter lalo na kapag nagkaroon sila ng problema ng karelasyong showbiz guy kung sino man?

Kaya kapag tinatanong raw ang megastar tungkol sa break-up ni KC sa boyfriend ay nasu-surprise raw talaga siya at wala rin siyang maisagot dahil wala naman talaga siyang alam tungkol dito. “You know what? I’ll tell you this, ‘do I look like I was surprised? KC, I think ayaw niyang, nag-o-open up sa ‘kin kasi ayaw niya na naaa-affect ako,” sey ni mega.

Pero kahit na hindi nagbibigay ng payo si Sharon kay KC pagdating sa buhay pag-ibig ay may wish lang ang sikat na singer actress, na sana raw ay buksan din ng anak ang damdamin niya sa mga tao sa labas ng showbiz. “Kasi I just don’t like na parang when I was like very young, ang nakikita ko lang ‘yung mga katrabaho ko. So, I married Gabby (Concepcion). I would have relationships with leading men. Parang I just want something maybe better than what I went through,” katwiran ni mega at pahabol niya, “Not a better person, but just a better elimination process, a better fairer one for her para makikita niya people from showbiz and people outside showbiz.”

Oo nga naman baka dito na suwertehin si Cassandra gyud!

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *