Saturday , April 20 2024

Kasalang Toni-direk Paul, itatapat sa 8th anniversary (Delayed ang honeymoon; dream house ipagagawa na)

020515 Paul SorianoToni Gonzaga

00 fact sheet reggeeBakit agad-agad ang kasal, eh, kaka-propose lang ni direk Paul kay Toni? “Parang, itatapat yata nila sa 8thanniversary nila kaya June bride si Toni.”

At parang hindi ikakasal si Toni kasi sa ngayon ay busy siyang nagso-shooting ng You’re My Boss movie nila ni Coco Martin mula sa Star Cinema na si Antoinette Jadaone ang direktor.

At may alam din ang aming kausap, ”not sure ha, pero alam ko tinanggap ‘yang offer na ‘yan ng January 2015 kasi nga May 13 daw ang playdate.

“Nag-umpisa ‘yan kay Kris (Aquino), biniro yata ni Kris si Toni na may gagawin daw silang movie, eh, sabi ni Toni, ‘wala akong alam, wala namang offer pa’, sabi ni Kris, ‘so tatanggihan mo si Coco?’

“Sabi ni Toni, ‘ay hindi’ kasi gusto nga niyang makasama rin si Coco, tapos nagtanong yata si Toni kay mommy Pinty kung may offer sa kanya at sabi nga wala rin.

“Tapos nag-offer na nga at si Toni na mismo ang nag-conceptualize ng kuwento ng movie nila ni Coco at ikinuwento niya ito sa Star Cinema at nagustuhan, so okay na, sabi magso-shoot sila agad.

“Since May pa naman ang playdate kaya mahaba-haba pa ang preparasyon tapos mga 20 shooting days lang naman yata tapos na ‘yung pelikula. Kaso, nabago yata, April 4 na raw ang playdate, check mo ha, not sure, eh.”

DELAYED ANG HONEYMOON; DREAM HOUSE IPAGAGAWA NA

After the wedding Ateng Maricris ay hindi pa magha-honeymoon sina direk Paul at Toni dahil may mga kailangang tapusin pa ang TV host/actress.

“Isang inggo lang yata magbabakasyon si Toni, tapos tatapusin niya muna lahat ng commitments niya.

“Gusto kasi niya out of the country at magtatagal sila like two months or more kasi first time nila ni direk Paul na lumabas ng bansa dahil simula naman ng maging magdyowa sila ay hindi naman sila nakapag out of the country na sila lang hindi sila pinapayagan nina mommy Pinty at daddy Carlito niya,” kuwento sa amin.

How true, magpapagawa pa lang ng bahay sina direk Paul at Toni pagkakasal nila, pero may nabili naman daw silang condo sa McKinley Hills sa The Fort na sobrang laki.

“Hindi ko alam, pero ang alam ko, may condo na nabili sina direk Paul at Toni sa may McKinley Hills sa The Fort, so siguro roon. Not sure pa rin kasi parang ayaw ng daddy ni Toni kasi nga malayo at dadalawa lang sila, eh, hindi naman puwedeng magkaroron ng kasama kasi condo ‘yun.

“Pero narinig ko, parang magpapagawa ng bahay sina direk Paul at Toni sa banda rin doon kasi kapitbahay yata nila si Pops Fernandez.”

At kung hindi kami nagkakamali ay ang architect boyfriend ni Ms. Zsa Zsa Padilla na siConrad Onglao raw ang gagawa ng dream house nina direk Paul at Toni.

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *