Friday , March 29 2024

Alex, kinaray ni Toni sa HK para magsukat ng wedding gown

022515 Alex toni Gonzaga

00 fact sheet reggeeWALA pa palang final venue para sa reception ng kasal nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga pero ipinaubaya na raw ng ikakasal ang lahat kay Chef Jessie ng Rockwell Club, Le Souffle, Revolving Restaurant sa Eastwood City ang lahat.

Tsika sa amin ng taong malapit sa ikakasal, ”actually, Reggee, maski na busy si Toni sila ni direk Paul ang nag-aasikaso ng kasal nila, hindi nila in-involve ang pamilya nila, pati nga mommy niya walang alam.

“Alam mo ba na supposedly kasama si Mommy Pinty sa Hongkong para magsukat ng isusuot niya sa kasal, hindi nakasama kasi may lakad yata kaya si Alex ang nakasama ni Toni.”

Kaya pala ipinagmamalaki ni Alex na siya ang pumili ng gown na isusuot ng ate niya kasi mas maganda ang pili niya.

“Oo ganoon nga. Kaya ang ending, pinasukatan si Mommy Pinty na lang kasi hindi naman siya nakapunta.

“Muntik pa ngang hindi matuloy si Vera Wang kasi six (6) months pala ang reservation doon, tapos nag-email at nagpakilala si Toni kung sino siya kasi may nagustuhan siyang wedding gown, tapos sinagot naman siya ni Vera Wang na, ‘okay will take consider that’ tapos in three (3) months nga matatapos lahat.”

Bakit si Vera Wang ang gusto ni Toni, eh, ang dami-daming sikat at magagaling na designer dito sa Pilipinas?

“Ha, ha, ha, natanong din ‘yan kay Toni bakit si Vera Wang, ang sabi niya, “halos lahat nasubukan ko na, nagamit ko na lahat ng gowns nila sa mga show ko, concerts, special occasions, eh, gusto ko namang masubukan ang iba sa kasal ko, may punto rin naman. At saka matagal na siyang (Toni) nagtitingin sa internet at may nagustuhan nga siyang gown ni Vera Wang kaya ganoon,” pambubuking sa amin.

 

KASAL, ITATAPAT SA 8TH ANNIVERSARY

Bakit agad-agad ang kasal, eh, kaka-propose lang ni direk Paul kay Toni? “Parang, itatapat yata nila sa 8thanniversary nila kaya June bride si Toni.”

At parang hindi ikakasal si Toni kasi sa ngayon ay busy siyang nagso-shooting ng You’re My Boss movie nila ni Coco Martin mula sa Star Cinema na si Antoinette Jadaone ang direktor.

At may alam din ang aming kausap, ”not sure ha, pero alam ko tinanggap ‘yang offer na ‘yan ng January 2015 kasi nga May 13 daw ang playdate.

“Nag-umpisa ‘yan kay Kris (Aquino), biniro yata ni Kris si Toni na may gagawin daw silang movie, eh, sabi ni Toni, ‘wala akong alam, wala namang offer pa’, sabi ni Kris, ‘so tatanggihan mo si Coco?’

“Sabi ni Toni, ‘ay hindi’ kasi gusto nga niyang makasama rin si Coco, tapos nagtanong yata si Toni kay mommy Pinty kung may offer sa kanya at sabi nga wala rin.

“Tapos nag-offer na nga at si Toni na mismo ang nag-conceptualize ng kuwento ng movie nila ni Coco at ikinuwento niya ito sa Star Cinema at nagustuhan, so okay na, sabi magso-shoot sila agad.

“Since May pa naman ang playdate kaya mahaba-haba pa ang preparasyon tapos mga 20 shooting days lang naman yata tapos na ‘yung pelikula. Kaso, nabago yata, April 4 na raw ang playdate, check mo ha, not sure, eh.”

 

DELAYED ANG HONEYMOON; DREAM HOUSE IPAGAGAWA NA

After the wedding Ateng Maricris ay hindi pa magha-honeymoon sina direk Paul at Toni dahil may mga kailangang tapusin pa ang TV host/actress.

“Isang inggo lang yata magbabakasyon si Toni, tapos tatapusin niya muna lahat ng commitments niya.

“Gusto kasi niya out of the country at magtatagal sila like two months or more kasi first time nila ni direk Paul na lumabas ng bansa dahil simula naman ng maging magdyowa sila ay hindi naman sila nakapag out of the country na sila lang hindi sila pinapayagan nina mommy Pinty at daddy Carlito niya,” kuwento sa amin.

How true, magpapagawa pa lang ng bahay sina direk Paul at Toni pagkakasal nila, pero may nabili naman daw silang condo sa McKinley Hills sa The Fort na sobrang laki.

“Hindi ko alam, pero ang alam ko, may condo na nabili sina direk Paul at Toni sa may McKinley Hills sa The Fort, so siguro roon. Not sure pa rin kasi parang ayaw ng daddy ni Toni kasi nga malayo at dadalawa lang sila, eh, hindi naman puwedeng magkaroron ng kasama kasi condo ‘yun.

“Pero narinig ko, parang magpapagawa ng bahay sina direk Paul at Toni sa banda rin doon kasi kapitbahay yata nila si Pops Fernandez.”

At kung hindi kami nagkakamali ay ang architect boyfriend ni Ms. Zsa Zsa Padilla na siConrad Onglao raw ang gagawa ng dream house nina direk Paul at Toni.

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *