Thursday , April 25 2024

Beauty, namanata sa Nazareno para sa leading lady role

090214 Beauty Gonzalez

00 fact sheet reggeeHINDI nahihiyang aminin ni Beauty Gonzales na nagpanata siya kay Amang Nazarenopara bigyan siya ng leading lady role dahil nga ilang taon na rin siya sa showbiz buhat nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother na pawang side-kick at bestfriend ng mga bida parati ang papel niya. At sa seryeng Dream Dad ay natupad na ang pangarap niyang maging leading lady.

Sabi ni Beauty sa ginanap na presscon, ”thank you Dream Dad, thanks you to GMO unit (Ginny M. Ocampo) thank you ABS-CBN for making may dreams come true! And thank you Zanjoe ((Marudo) for helping me.

Bonus pa dahil kasalukuyang number one ngayon sa Primetime ang Dream Dad na talagang pinadapa at pinataob ang katapat nitong programa.

Kuwento ng aktres, ”noong una hindi ako makapaniwala na leading lady na ako, at ang gaan ng trabaho namin sa set.

“Noong i-pitch nga ito sa akin, sabi leading lady, noong una hindi ko pa agad nakuha, wala akong reaksiyon, tapos noong nag-sink-in na, roon ko lang naisip na, totoo ba?

“Kasi talagang pangarap ko ito, nagpanata ako kay Nazareno na sana magkaroon ako ng leading lady role, heto nga kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako sa ‘Dream Dad’, ABS-CBN kasi tinupad nila ang pangarap ko. Thank you for believing in me.”

030515 Zanjoe Beauty

KINIKILIG SA MGA EKSENA NILA NI ZANJOE

Inamin din ng aktres na kapag may eksena sila ni Zanjoe sa Dream Dad ay kinikilig siya, ”oo, nakakikilig naman siya kasi ang guwapo niya at saka kapag tumititig na, sabi ko nga, ‘Zanjoe, ‘wag ka nga tumitig’ puro biruan lang.

Pero hindi ano (type), kaibigan lang, kami,” biglang bawi ng aktres.

May boyfriend ngayon si Beauty na isang businessman at aminadong malaki ang agwat ng edad nila na pilit namang tinatanong ay iisa ang sagot sa amin.

“Bagsak ako sa Math, hindi ko alam magkuwenta,” tumatawang sabi ng dalaga.

Art collector ang boyfriend ni Beauty at natatawa kami sa kuwento niya dahil,”wala akong alam sa art, malay ko kung ano ‘yun, basta magaganda naman lahat ng paintings.”

Ang gustong-gusto raw ni Beauty sa boyfriend niyang may edad na ngayon ay,”very supportive, sobra niya akong bine-baby, hindi seloso, walang isyu sa amin, simpleng buhay lang, both family namin ay okay, walang isyu, kaya saya-sayahan lang,” kuwento ng aktres.

Inamin ni Beauty na kung siya ang masusunod ay ang kasalukuyang boyfriend na niya ang makatuluyan niya dahil swak ang ugali nila at nakita niyang magiging dream dad ito.

“Walang pressure sa amin, ako ang magsasabi kung kailan ako ready (mag-asawa), sa nakikita ko, I’m 24, siguro six (6) more years, at maghihintay naman siya sabi niya, ‘pag hindi lagot siya sa akin, ha, ha, ha, ha,” birong sabi ni Beauty.

At kaya ayaw na niyang magkaroon ng boyfriend na kasing edad niya dahil, ”kasi hindi kami magkasundo, pareho kaming matigas ang ulo at sinungaling.”

Anim na buwan na sina Beauty at ang boyfriend niya kaya malayo pa sa isipan niyang lumagay sa tahimik.

EXTENDED ANG DREAM DAD

Samantala, extended ang Dream Dad kaya labis-labis na nagpapasalamat ang buong cast ng programa kasama na ang production team dahil kasalukuyan nga silang nangunguna sa ratings game sa primetime.

Pinadapa ng DD ang katapat nitong programan noong Huwebes sa ratings game na 34.9% dahil ito ‘yung eksena na nagpasiyang huminto na si Paul (Matt Evans) sa panliligaw kay Alex (Beauty) dahil alam niyang si Baste (Zanjoe) ang gusto ng dalaga na halos kalahati lang ang nakuhang ratings ng Pari Ko’y ni Dingdong Dantes na 17.8%.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *