Friday , April 19 2024

Tart Carlos, parte ng dalawang shows ng Dreamscape Entertainment TV

031615 Tart Carlos

00 Alam mo na NonieNAGPAHAYAG ng kagalakan ang komedyanang si Tart Carlos sa pagkakasali sa dalawang shows ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, Ikaw Lamang, at Bagito.

“Ako si Penelope na assistant ng lola dito ni Inday Bote played by Alicia Alonzo, who’s in search of her apo-sa tao world. Ako rin ang comic relief sa side ng mga nagdadramang sina Aiko Melendez.

“After ng Be Careful with My Heart (na gumanap siya bilang yaya), ako po ay pinagpalang gumawa ng out of the country and out of town shows at isinali ng Dreamscape sa dalawa nilang summer magical series na Nathaniel at Inday Bote.

“Masaya ako dahil marami pa ring nagtitiwala sa atin. First time ko gumawa sa Dreamscape at nasundan agad, kaya blessing talaga ang pagkuha sa akin dito. Hindi ko akalaing papasa ako sa kanilang panlasa, pero alam kong kahit papaano love nila ako. Kasi agad nasundan ang pagbibigay nila ng project, kasama na roon ang mahusay nilang treatment sa amin sa set,” saad ni Tart.

Ano ang papel niya sa Nathaniel? “Napakalayo kay Doris (karakter niya sa BCWMH) ng role ko sa Nathaniel, kasi hindi kid lover si Ate Rita, ang aking cha-racter na incidentally tunay kong pangalan. Challenging din ang papel ko rito, kasi hindi ka-tulong!” nakatawang biro pa niya. Si Tart ay isang stand-up comedian na napapanood Monday to Thursday sa Library, Tuesday sa Punchline, Friday sa Laffline at Saturday and Sunday sa Sitcom Live sa Las Piñas. Ang Inday Bote ay mapapanood na sa ABS CBN ngayong Lunes, March 16. Tampok dito sina Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Alonzo Muhlach, at iba pa. Ito’y sa direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *