Wednesday , April 24 2024

Pythos at Katrina, mag-click kaya?

ni Alex Datu

031615 Phytos Ramirez Katrina Velarde bitterella

HABANG isinusulat namin ito ay katatapos lamang mag-pilot show ang Wattpad Presents Bitter Ella na nagtatampok sa almost six footer na si Phytos Ramirez and the petite of less that 5 inches Katrina Velarde na kilala ngayon sa tawag na ‘Suklay Diva.’

Hands up kami sa TV5 sa lakas-loob nilang pagtambalin ang dalawang nagsisimula pa lamang sa industriya. Si Phytos ay puwedeng sugalan dahil malaki ang potensiyal para maging matinee idol at marami na itong nagawang product endorsements. Ang gusto ko sa kanya ay ang kanyang warmness, malambing, at all-ears siya sa interview with a smile.

Si Katrina naman, napag-alaman naming tinatahak din ang landas nina Sarah Geronimo, Charice at iba pang magagaling na singer. Nakilala siya dahil sa pag-trending ng kanyang video post na kumakanta siya gamit ang isang plastic na suklay bilang mike.

Inamin nitong nakilala siya nang sumali sa X-Factor Philippines kasama ang kanyang grupong A.K.A. Jam at presto, naging semi-finalist sila in fairness. Ang namamahala sa kanila ngayon ay ang Manila Genesis at palagi silang front act sa mga show ni Gary Valenciano sa abroad like in San Diego, Atlantic City, San Francisco, at Canada.

Maliban sa pagkanta, gusto rin nitong subukan ang pag-arte at malakas ang potensiyal niya sa comedy hindi dahil may hawig siya kay Pokwang, kundi malakas ang sense of humor. Sa totoo lang, very Pokie ang dating nito pero sa height, very Nora Aunor.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *