Wednesday , April 24 2024

Mamasapano report naisumite na ng BOI sa PNP

020315 PNP SAF Le Tour de FilipinasMAKARAAN ang ilang linggong imbestigasyon at ilang araw na pagkabinbin bago makompleto, naisumite na kahapon ng Board of Inquiry (BOI) ang kanilang ulat kaugnay sa Mamasapano incident, sa liderato ng Philippine National Police (PNP).

Kompiyansa umano ang chairman nito na nakuha ng panel ang buong katotohanan kaugnay sa ‘misencounter’ na nagresulta sa pagkamatay ng higit sa 60 katao nitong Enero.

Sinabi ni Director Benjamin Magalong, hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, at chairman ng BOI, ang komite ay hindi naimpluwensiyahan ni Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa paninisi kay dating Special Action Force chief, Director Getulio Napenas Jr., kaugnay sa bakbakan ng mga commando sa mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Walang pressure. Hindi namin ‘yon pinansin,” pahayag ni Magalong sa mga mamamahayag habang isinusumite ng panel ang kanilang report kay PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina.

Dagdag ni Magalong, ngayon ay maaari nang tumingin ang investigation panel nang diretso sa mga mata ng naulilang pamilya ng SAF 44.

“We are confident that we were able to seek out the truth,” ayon kay Magalong.

BOI report ‘di na titingnan ni PNoy

ILANG araw makaraan tiyakin na bubusisiin pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang Board of Inquiry (BOI) report sa Mamasapano operations bago isapubliko, nagbago ang tono ng Palasyo kahapon at inihayag na hindi na kailangan pang makita ito ng Punong Ehekutibo.

“Hindi po kailangang matanggap o makita ng Pangulo bago mai-release dahil ito naman ay ulat na patungkol sa Philippine National Police (PNP),” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma hinggil sa BOI report.

Iginiit ni Coloma na ang BOI report ay isusumite kay PNP officer-in-charge Deputy Director general Leonardo Espina at kay Interior Secretary Mar Roxas at dahil ito’y isang public document kaya’t  asahan na ang pagsasapubliko nito.

Ang pahayag ni Coloma ay taliwas sa sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte nitong Sabado na nais ng Pangulo na pasadahan muna ang mga nakapaloob sa BOI report hanggang annexes para may masabi siya kapag tinanong ng media.

Sabi ni Valte, may kapangyarihan si Pangulong Aquino na iabsuwelto o idiin ang isang opisyal na sangkot sa Mamasapano operation kaya’t maaaring iparepaso pa niya ito sa kanyang legal team.

Matatandaan, umani ng batikos ang mga inilahad ng Pangulo sa prayer gathering nitong Lunes sa Palasyo na  paghuhugas-kamay, hindi pagbanggit sa naging papel ni resigned PNP chief Alan Purisima at paninisi nang todo  kay dating Special Action Force (SAF) chief Director Getulio Napenas sa madugong operasyon na ikinamatay ng 67 katao, kasama ang 44 SAF commandos.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *