Saturday , April 20 2024

Binoe organic ang mga kinakain; Mariel, farmer na

082314 Mariel Rodriguez robin padilla

00 fact sheet reggee“Kapag nagkukuwentuhan kaming mag-asawa (Mariel Rodriguez), sinasabi ko parati na ‘siguradong mauuna ako sa ‘yong papanaw kasi mas matanda ako’, pero parati niyang sinasabi na, ‘hindi pahahabain ko ang buhay mo, hindi pupuwedeng mauna ka’. Minsan talaga nagiging corny kapag in love ka.

“Kaya ang naging solusyon ay take organic. Ganyan ang mga ginagawa sa mga first world country, organic na talaga sila at talagang healthy living sila.

“Si Mariel, noong first year naming dalawa, talagang pinag-aaralan muna namin kasi wala ka pa naman alam so bumibili pa lang.

“Second year, nagpupunta na kami sa iba’t ibang bansa para pag-aralan kung ano ang organic, nakarating kami ng Sweden, Spain, kasi lahat ng tao roon, puro organic.

“’Yung third year namin, nagtatanim na po kami, into farming na siya ngayon. Ganoon na po kami kaseryoso sa organic. Kaya noong dumating itong offer, Askof, nagulat kami kasi organic, eh, nag-aaral pa si Mariel sa General Santos City, sa Saranggani, eh, mayroon naman pala sa Nueva Ecija, one-hour and a half lang sa Maynila.

“‘Yung ginagawa po naming (organic) ay para humaba ang aming love story (pagsasama), organic na pamumuhay,” mahabang salaysay ni Robin.

At ang mga nabago na raw sa buhay nila ni Mariel simula ng nag-organic sila ay, “noong panahon ng ako’y nasa kadiliman dahil sa droga, buwan-buwan yata ay nasa hospital ako, bata pa ako noon.

“Eh, ngayon ho (may edad na) mula ng mag-organic ako, wala kayong mababalitaang na-ospital ako.

ni REGGEE BONOAN

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *