Saturday , April 20 2024

Nadesmaya sa EDSA

00 firing line robert roqueHINDI maikakaila na ang trahedyang naganap sa Mamasapano, Maguindanao na kumitil sa buhay ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25 ang pinakamalaking hamon sa pamumuno ni President Aquino.

Sa katunayan, pati ang ika-29 taon na pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution ay naapektohan nito. Taliwas sa dating tanawin ng libo-libong dumadalo sa selebrasyon, kakaunti lang ang dumating noong Miyerkoles, Pebrero 25.

Ang katwiran ng Malacañang ay simple lang ang ginawang pagdiriwang ngayong 2015 dahil panahon pa ito ng pagluluksa sa mga nasawi sa Mamasapano noong isang buwan.

Kung ganu’n, bakit nagpatawag ang namahala ng okasyon ng 20 guro at 50 estudyante, na karamihan ay mula sa Camp General Emilio Aguinaldo High School, para humabol sa pagdiriwang sa bandang huli?

Wala rin sa okasyon ang mga tinawag na bayani ng EDSA tulad nina dating President Fidel Ramos at dating Senator Butz Aquino, na tiyuhin ni PNoy. Ang isa pang EDSA hero na si Senator Juan Ponce Enrile ay naka-hospital arrest sa Camp Crame nang dahil sa kasong plunder.

Pero sa paanan ng Santolan flyover sa southbound lane ng EDSA, libo-libong tao mula sa mga grupong nananawagan na magbitiw ang Pangulo sa puwesto bunga ng trahedya sa Mamasapano ang hindi makalapit dahil sa barikada na inilagay ng mga pulis.  

Ang pakiramdam daw nila ay parang nabuhay muli ang batas militar dahil sa higpit na ipinatupad ng mga awtoridad sa paggunita ng isang okasyon, na nagbigay-buhay sa kalayaang nasikil sa ilalim ng pamumuno ng yumaong President Ferdinand Marcos. Nirendahan umano ang kanilang karapatan na magtipon-tipon at magpahayag ng saloobin.

Makikita naman na maraming nakikisimpatiya sa kanilang ipinaglalaban sa mga palakpak na ibinigay ng mga nakasaksi sa kanilang pagpopoprotesta.

Nag-aalala ba ang kampo ng Pangulo na magkaroon ng panibagong EDSA revolution laban sa kanyang pamumuno kaya pinigilan nilang makalapit ang mga raliyista?

May mga pagdududa na hindi umaamin ang mga may pananagutan at may mga pinagtatakpan; na hindi magkakaroon ng hustisya para sa mga biktima dahil mas pinahahalagahan ang mismong mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kumitil sa kanila, sa tulong ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Hanggang hindi nasasagot ang mga katanungan sa naganap na Mamasapano massacre ay hindi rin mawawala ang mga panawagan na magbitiw si President Aquino.

Papayag ba ang Pangulo na mabalewala sa mga mamamayan ang kanyang “daang matuwid,” ang paglaban niya sa katiwalian, at pati na ang mga sakripisyo na ginawa ng kanyang mga magulang?

Ang maiiwan sa pagbaba ni PNoy sa puwesto sa 2016, kung hindi magkakaroon ng malaking aberya para ito ay mapaaga, ang pait na nilikha ng pagkasawi ng 44 na SAF commandos, at kung paano niya ito binigyan ng hustisya bilang kanilang commander-in-chief.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View 

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *