Friday , April 19 2024

BIR Comm. Kim Henares, unahin habulin ang Solaire Casino junket operators (Paalala kinabuwisitan ng fans ni Pacman)

kim birDAHIL sa tila nang-aasar na paalala ni Rentas Internas chief, Commissioner Kim Henares, nabuwisit ang maraming fans ni Manny Pacquiao sa kanya.

‘E sa tagal nga namang trinabaho ‘yang Floyd-Pacman fight ‘e parang gusto pang ‘usugin’ ni Commissioner Kim?

Agad ipinaalala ang babayarang buwis ni Pacman para sa  laban na ‘yan sa Mayo 2.

Ang ipinagtataka lang natin kay Madam Kim, bakit hindi niya naaalalang paalalahanan ang mga Casino junket operator sa Solaire Casino.

Mayroon silang mga VIP room sa second floor na ang karamihan ng mga junket at rolling scheme operator ay local Tsinoys at  dayuhang Koreano at Chinese nationals.

Milyon-milyon ang nilalaro ng Casino players at kinikita nila diyan pero hindi natin nababalitaan na nagbabayad ng buwis ang mga Casino junket operators.

Ilan sa mga pekeng kompanya ang nag-o-operate sa Solaire Casino ang MING FA, XTD, FORTUNE, ELEGANCE, AG CLUB, TAK CHUN, GOLD MOON, T.Y.E. GLOBAL INT’L CLUB at isang alias ANTONY SEE.

Nabusisi na po ba ninyo ‘yan, Madam Kim Henares?

Tanong kasi ng mga netizens, bakit naman kay Pacman napakabilis ninyong magpaalala ng kanyang mga bayaring buwis?!

‘E yung namamayagpag na Solaire Casino junket operators napaalalahanan na po ba ninyo na magbayad ng buwis?

Kaya tuloy walang taxpayer na natutuwa tuwing nagbabayad ng buwis.

Kasi alam nila, marami pa rin nakalulusot na malalaking taxpayer. Mas mahigpit lang daw kasi si Madam Kim sa maliliit na taxpayers at sa government employees pero hindi sa mga tycoon at sa Casino junket operators.

Totoo ba ‘yan Madam Kim?!

Sige nga, sampolan nga ninyo ang mga Casino junket operators?!

Kapag nagawa ninyo ‘yan ‘e bibilib na talaga ako sa inyo, Madam Kim.

Umpisahan n’yo nga?!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *