Thursday , April 25 2024

Sahiron ng ASG sugatan sa sagupaan (25 tauhan patay)

sahironKABILANG si Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron sa napaulat na nasugatan sa sagupaan ng mga tropa ng Philippine Army Scout Ranger at mga bandidong grupo.

Ayon sa report ng militar sa Sulu, dahil sa matinding labanan nitong Biyernes sa Patikul, Sulu, sugatan si Sahiron.

Ngunit vina-validate pa ng Western Mindanao Command ang nasabing report.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, sa labanan ng militar sa Sulu nitong Biyernes, 25 miyembro ng ASG ang patay habang 27 ang sugatan.

At sa panig ng militar, dalawang sundalo ang namatay habang nasa 24 ang sugatan na kasalukuyang ginagamot sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, batay sa kanilang nakukuhang report mula sa mga residente ng Patikul, ‘on the run’ na ang bandidong grupo dahil nauubusan na sila ng bala.

Kondisyon ni Sahiron ipinabeberipika ng palasyo

IPINABEBERIPIKA ng Palasyo sa Department of National Defense (DND) ang ulat na nasugatan sa nagaganap na military operations sa Sulu si Abu Sayyaf  Group leader Rddulan Sahiron.

“Natunghayan din namin ‘yan sa pahayagan at kasalukuyang sumasailalim sa beripikasyon ang impormasyon na ‘yan,” reaksiyon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. hinggil sa ulat na isa si Sahiron sa mga nasugatan sa halos isang linggong bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng ASG.

Si Sahiron ay isa sa nakatala sa most wanted terrorist list ng Federal Bureau of Investigation na may $1 milyong patong sa ulo.

Samantala, inihayag ni Coloma na umabot na sa 2,090 pamilya o 10,450 katao mula sa pitong barangay sa Datu Salibo, Maguindanao ang kasalukuyang nasa anim na evacuation centers makaraan lumikas sa kani-kanilang tahanan bunsod ng bakbakan ng military at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sinabi ni Coloma, naglaan na ang DSWD  ng P4,850,000 para sa pagkain at iba pang serbisyo at may nakaabang ding additional provisions sa disaster response operations monitoring and information center ng DSWD at DSWD Field Office 12.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *