Saturday , April 20 2024

Vera Wang, tatahi ng gown ni Toni (Alex, walang kakaba-kaba sa The Unexpected Concert)

022815 Vera Wang Alex Toni Gonzaga 

00 fact sheet reggeeTAKANG-TAKA si Alex Gonzaga sa amin nang tanungin siya kung ‘nagkakape ka ba?’ pagkatapos ng Q and A sa presscon ng The Unexpected Concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 25 produced ng CCA at MGM Productions dahil wala siyang kanerbiyos-nerbiyos.

Seryoso naman kaming sinagot ng dalaga, “hindi, ate Reggee, bakit?” at sinabi naming ‘wala ka kasing nerbiyos, imagine sa Big Dome ka magko-concert?’

“Ha, ha, ha, ha ikaw talaga ate Reggee, inaaway mo ako, wala kang bilib sa akin?” tumawang sagot sa amin.

Bilib kami kay Alex dahil ang lakas ng loob niya at ang galing-galing niyang lumusot kapag may mali siyang nasabi sa pagho-host at higit sa lahat, ang bilis niyang mag-isip sa lahat ng bagay. Bagay nga siyang maging talk show host, eh.

Wala kaming kuwestiyon sa kanya pagdating sa hosting at acting dahil nakita na namin ang kakayahan niya, sa singing na lang kaya gusto namin siyang mapanood sa sinasabi niyang, The Unexpected Concert, “basta, expect the unexpected,” sabi ni Alex.

Hindi naman itinanggi ni Alex na tumanggi raw siya noong una siyang alukin ng producer na si Joed Serrano.

“Ilang beses po ako nag-NO, mga twice, but since maganda naman ‘yung alok at ‘yung faith na ibinigay sa akin ni Joed at na-convince na rin naman ako, everyday naman nagpi-pray ako kay Lord and, so whatever happens sabi ko bahala na sa lahat ng mangyayari.

“Eh, nangyari naman lahat, pati daddy ko, na-convince, so nag-pray ako at sabi ko, ‘Lord, kung hindi po ito meant, stop n’yo po at okay lang naman sa akin, sa amin,’ eh, so far po, tuloy-tuloy naman po, so yes, I’m positive naman po na it’s a blessing from God at nagpapasalamat po ako, dumating si kuya Joed,” kuwento ng dalaga.

Hindi binanggit ng dalaga kung sino ang mga guest dahil surprise raw, pati ang repertoire ay hindi rin sinabi, pero ang sure na sure na bisita niya ay ang ate Toni niya, “kasi part siya ng career ko, kung hindi dahil sa kanya wala ako.”

Isa sa paghahanda ni Alex ay ang panonood ng video ng concerts ng mga kilalang foreign singers tulad nina Beyonce, Mariah Carey, Celine Dion, at Whitney Houston.

Natawang kuwento nga ni Alex na sinita siya ng ate Toni niya, “kasi dumating siya nakahilata ako sa kama, sabi niya, ‘ano wala ka bang paghahanda, parang hindi ka magko-concert? Hindi ka man lang mag-exercise, mag-swimming, mag-treadmill?’ kasi nga po kailangan ko talagang gawin for my energy.

“Sabi ko sa ate ko, ‘magswi-swimming at 2AM? Puwedeng bukas na?’ Kaya kinabukasan po, nag-swimming ako, nag-treadmill ako, sinunod ko naman po siya.”

Hindi ba natatakot si Alex na baka may mag-bash sa kanya dahil sa lakas ng loob niyang mag-Big Dome.

“Alam n’yo po, lahat naman ng gagawin natin, may magki-criticize sa ‘yo, so parang ano na lang, just let the bashers be bashful, parang mahiya na rin sila. Hindi ko na lang iniisip ‘yun, kasi kung may magba-bash, at i-check mo naman kung ilan ‘yung nagmamamahal at sumusuporta sa ‘yo, eh, mas marami naman pala, sobrang dami. Parang OA na nga kung maapektuhan ka pa,” katwiran ng dalaga.

Ang hilig daw ni Alex sa music, “siyempre noong bata, gusto mo ‘yung matataas, ginagaya ko ate ko, ‘yung mga kinakanta niyang Whitney Houston, pero ako, mas enjoy talaga ako sa mga kanta ni Ella May Saison, Taylor Swifts, Spice Girls, hindi masyadong birit, hindi diva-diva,” kuwento ng TV host/actress.

Gusto naming mapanood ang The Unexpected Concert dahil curious kami kung ano ang ipakikita ni Alex sa opening number niya dahil kakaiba raw na hindi pa nagagawa o ginawa ng sinumang nag-concert na.

Ibig sabihin, sa rami ng magagaling nating singers na nag-show na ay ni isa sa kanila ay wala pang nakagawa? Bongga, ano ito nakasakay sa eroplano o chopper si Alex sabay talon, kakaiba nga if ever.

Hindi naman napilit sina Alex at Joed kung ano itong opening number na ito pero inamin nila na medyo delikado but since ang dalaga raw mismo ang nag-suggest ibig sabihin, kaya niyang gawin.

At dahil nakikipagkulitan na sa amin ang dalaga ay pasimple naming tinanong kung sino ang gagawa ng wedding gown ni Toni at nabanggit nga niyang si Vera Wang na siya pa mismo ang pumili.

“Kasi nagtitingin siya, tapos may isinukat siya, sabi ko, hindi maganda ‘yan, heto sukat mo, hayun, bumagay, siyempre ako bida,” kaswal na kuwento ni Alex na huli na nang maisip na inunahan niya ang ate Toni niya sa pag-announce, lagot.

“Naku, lagot ako, kayo talaga, kaw kasi (sabay sisi sa amin),” sabi ni Alex.

Pero ikinuwento na rin ni Alex kung paano nila nakontak si Vera Wang, “from Hongkong ipinadala sa Pilipinas,” say ni Alex.

Pasimple naming tinanong kung kailan ang kasal, “ay hindi ko alam, ha, ha, ha,” biglang naisip kaagad ni Alex na bawal sabihin.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *