Thursday , April 25 2024

Dalawang hinete dapat tutukan

00 rektaPuring-puri ang mga BKs sa kabayong Fine Bluff, Extra Ordinary at Matang Tubig matapos makapagtala muli ng tig-isang panalo nitong nagdaang Martes sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang panalo ni Fine Bluff ay isang bigayan lang ang ginawa sa kanya ni Pati Dilema at agaran namang naipakita ni kabayo ang kanyang tulis sa pagremate.

Sa panalo ni Extra Ordinary ay nagkaroon naman ng maagang bakbakan sa harapan ang ilan sa mga nakalaban niya, kaya hinayaan muna ng sakay na si Arvi Peñaflor at pagpasok sa ultimo kuwartos ay inumpisahan na niyang ayudahan ng husto hanggang sa makabilang na sila sa mga nauuna. Pagsungaw sa rektahan ay nakuha na nila ang bandera at walang anuman na iniwan ang mga kalaban. At sa panalo ni Matang Tubig ay tila nag-ensayo sila sa aktuwal na takbuhan ng kanyang regular rider na si Toper Garganta.

Nasilip din ng mga BKs ang hindi magandang pananakay ng mga hineteng sina Jesse Guce at ang natitirang apprentice rider na si Jao Saulog, kaya tinatawagan nila ng pansin ang bagong pamunuan ng PHILRACOM na dapat pakitutukan ang nasabing dalawang mananakay para sa kapakanan nilang mga mananaya at ng industriya ng karera.

 

ni Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *