Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mystica, magpapatayo ng Mystica Temple na nagkakahalaga ng $2-M

 

ni Timmy Basil

021815 mystica

KUNG gugustuhin lang ni Mystica, maibabalik niya ang sigla ng kanyang career as a singer, kilala pa rin naman kasi siya at sa initial episode ng Star Beks, bagong portion ng Wow Mali ay siya ang unang guest.

Ang kailangan lang siguro ni Mystica ay magaling na manager na siyang magne-negotiate in her behalf. Ang kanyang dating manager kasi na si Tita Vera Isberto ay matagal nang nawala sa sirkulasyon.

Natanong ni Joey de Leon kung totoo bang naging lap dancer si Mystica noong araw sa US.

Buong ningning na inamin ito ni Mystica at nagkuwento pa ito na may tatlong klase ang lap dancing, isa ay ‘yung ang suot ay bra at panty, ang pangalawang klase ay panty lang at walang bra, at ang pangatlo ay ang nude na talaga.

Lahat ng ito ay nasubukan ni Mystica. Ginawa niya ito sa US maging sa Canada.

Pero hanggang lap dance lang daw talaga, no touch daw.

Depende rin daw ang bayad, mas mahal ang bayad kapag nasa VIP room pero no touch pa rin daw at kapag pinuwersa raw sila ng costumer puwede naman silang sumigaw at papasok na ang mga bouncer.

Hindi na gaanong napag-usapan ang tungkol sa kanila ni Marlene Aguilar dahil mula nang kinasahan ni Mystica ang mga post ni Marlene sa Facebook ay nananahimik na ito.

Puwede pa rin naman daw silang magbati si Marlene pero during

“last days” na raw ibig sabihin, kapag malapit nang magunaw ang mundo ay at saka niya ito babatiin.

May malaking plano si Mystica. Kailangan niya ng $2-M para mapatayo ang kanyang Mystica Temple na ilalagay niya sa isang 6 hectare land somewher in Rizal province.

Nagkaroon daw kasi siya ng vision na ang Pilipinas daw ay magiging bagong Jerusalem.

Napag-usapan din ang tungkol sa sex video nila ni Troy Montez (ang kanyang boyfriend) pero itinanggi ni Mystica na siya ang nag-upload niyon. May gadget daw siyang naiwan sa bahay na tinirhan nila noon ni Troy sa Solano, Nueva Vizcaya, kinalikot at in-upload sa porn site kaya wala nang nagawa si Mystica to stop this.

Going back go her Mystica Temple na ang kakailanganing halaga ay $2-M, saan naman kaya kukuha ng perang ganito kalaki si Mystica? Maisakatuparan kaya niya ito?

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …