Tuesday , July 29 2025

Mga pelikula ni Ate Vi, dinudumog pa rin kahit restored na!

ni Ed de Leon

021615 Vilma Santos

HANGGANG ngayon, pinag-uusapan pa rin ang naging launching ng tatlong restored movies ni Governor Vilma Santos na ginanap last week pa sa UP. Maganda naman iyong pagkaka-restore, pero ang mas nakatawag ng aming pansin ay ang napakaraming taong nanood niyon.

Isipin ninyo, tatlong pelikula iyon at nagsimula ang screening nila ng 2:00 p.m., nang manood kami ng screening niyong huling pelikula, ang dami pa ring tao. May mga umuwi na dahil napanood na nila iyong una, may mga dumating namang bago kaya puno pa rin ang theater.

Iyan iyong napansin namin talaga, kaya kung ganyan ngang mga lumang pelikula na ni Ate Vi ang palabas, tapos nandoon pa sa UP Theater na malayo at out of way, talagang sasadyain mo kung gusto mong manood, ganoon karami ang tao, bakit naman ikukompara siya sa ibang walang nanonood kundi pito lang?

Iyan din ang batayan namin kaya namin sinasabing tama ang kanyang desisyon na kung may panahon lang din siyang gumawa ng pelikula, dapat ang ginagawa na niya talaga ay mga mainstream movies. Hindi dahil kikita siya ng mas maayos sa mga pelikulang iyon, kundi dahil maiaangat niyon ang industriya ng pelikula na matagal nang lugmok. Makatutulong siya sa napakaraming manggagawa na umaasa ng kanilang ikabubuhay sa industriya ng pelikula na matagal na ring nahihirapan dahil wala nga silang magawang pelikula.

Iyong mga pelikulang indie, dahil sa napakaliit na puhunan, ang kinukuhang artista niyan ay karaniwang iyong mga baguhan na wala pang pangalan, o iyong mga laos na talaga at hindi na makuha sa mga pelikulang mainstream. Para masabing artista pa rin sila, gumagawa na sila ng indie. Eh kung ang isang malaking artista na kagaya ni Ate Vi ay gagawa pa ng indie, kawawa naman iyong mga baguhan, at lalong kawawa naman iyong mga laos na, na ang maaari na lang pagkakitaan ay iyang mga indie. Baka naman kung ang mga box office star ay gumawa ng indie, ni pambili ng syoktong wala na ang mga laos.

Tama talaga si Ate Vi, mainstream movie ang sisimulan niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rhea Tan Piolo Pascual Rotary Club Balibago Beautéderm

Beautéderm family sa pangunguna ni Piolo, full support kay Ms. Rhea Tan bilang presidente ng Rotary Club ng Balibago

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGARBO at star-studded ang 16th Induction and Turn-over Ceremonies para sa Beautéderm CEO and founder na si Rhea …

Ces Quesada Martin del Rosario

Ces Quesada ibinuking lovelife ng pamangking si Martin

RATED Rni Rommel Gonzales PAMANGKIN ng beteranang aktres na si Ces Quesada ang Kapuso hunk actor na …

Yen Santos

Yen sa bf na manipulative at controlling: blessing na nagising sa nightmare  

MA at PAni Rommel Placente TINANONG si Yen Santos sa kanyang kauna-unahang YouTube vlog tungkol sa   huling naging pakikipagrelasyon. Napahinto …

Jake Cuenca Maris Racal

Jake kinompitensiya si Maris, tumakbong naka-brief

MA at PAni Rommel Placente VIRAL ang eksena ni Jake Cuenca sa FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco …

Judy Ann Santos tinapay bread

Judy Ann natawa at naiyak sa nilutong tinapay

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa at maiyak ni Judy Ann Santos sa nilutong tinapay na focaccia …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *