Friday , April 19 2024

27 sa 44 fallen SAF binaril sa ulo nang malapitan

00 pulis joeyINILABAS nitong Sabado ang consolidated medico-legal reports ng PNP-ARMM Regional Crime Laboratory Office sa autopsies na ginawa noong Enero 27 at 28 sa fallen 44 PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa reports, 9 SAF commandos ang tinamaan ng baril sa ulo, 18 may tama sa ulo, dibdib at mga kamay at paa, at ang 17 ay may tama sa dibdib at mga kamay at paa.

Lahat ng commandos ay tinaniman ng baril sa ulo, maliban kay Sr. Inspector Max Jim Tria na inasinta sa mga kamay at paa.

Tatlo sa mga may matinding tama ay sa gitna mismo ng kanilang dibdib, patunay na ito ay wala nang suot o tinanggalan ng bullet vests nang barilin sa close range o malapitan.

Si Insp. Rennie Tyrus, ay tinamaan sa ulo ng balang umuusok pa. Patunay na binaril ng close range na ang agwat ng dulo ng baril sa biktima ay nasa 15 centimeters lamang.

Si PO2 Joseph Sagonoy, pinakabata sa commandos sa edad na 26, at kinunan pa ng video, ay may tama ng bala ng baril sa lower left thigh at 2 fatal gunshot wounds sa ulo. Ang slug ng 9-mm pistol ay nakuha sa kanyang utak, patunay na siya ay binaril nang close range.

Ang resulta na ito ng medico legal ay taliwas sa pahayag ng isang MILF commander na si Haramen na hindi overkill ang nangyari sa SAF 44 kundi dahil sa malalakas nilang armas.

Sa naturang operasyon, bagama’t madugo, ito’y mission accomplished dahil napatay ng commandos ang target na international terrorist na si Zulkifli bin Hir alias Marwan, na may $5 million sa ulo; at nasugatan pero nakatakas ang local terrorist na si Abdul Basit Usman, may $1 million sa ulo.

Sa nangyaring ito sa SAF 44, nalagay sa alanganin ang isinusulong na usaping pangkapayapaan – Bangsamoro Basic Law. Dahil lumalabas sa mga ulat na ang MILF ay nagkakanlong ng mga terorista at nasa teritoryo din nila namumugad ang mga bandidong BIFF, Abu Sayyaf at private armed groups.

At ang sinisisi ngayon ng marami ay si Pangulong Noynoy Aquino. Dahil masyado raw malambot laban sa mga armadong grupo sa Mindanao kahit minamasaker na ang mga pulis, militar at sibilyan.

Tuloy, maraming lider ng Simbahan ang nananawagan ng “Resign PNoy.”

Pero hindi ito napapanahon para palitan si PNoy dahil ang papalit sa kanya ang Bise Presidente na nahaharap sa maraming kaso ng katiwalian – pandarambong!

Let’s wait 2016 na lang, bayan!

Mga swapang na opisyal at utak ng fixers sa LTO-Bacolod

– Report ko po dito sa Bacolod-LTO sinosolo ng district head na si … ang transaction. Ayaw magpapasok ng mga insurance agent na nagpa-followup ng mga rehistro ng sasakyan ng mga kliyente. Fixers nya labas-pasok sa opisina niya, ganun din Chief Security na si … na pasimuno ng fixers! – 09473876…

 Mas marami ang fixers kesa empleyado sa Tacloban-LTO

– Report ko po dito sa LTO-Tacloban, mas marami pa ang fixers kesa empleyado. Lahat ng transaksyon dito sa fixers dumadaan. Pag nagdirekta ka, walang mangyayari sa transaksyon mo. Sana maimbestigahan ito ng LTO main office. Salamat po. – 0915429…

 Carriedo, Blumentrit at Avenida Rizal puros vendors na

– Josey, ang Carriedo, Blumentrit at Avenida Rizal, masikip na, hirap nang daanan ng tao at mga sasakyan dahil sinakop na ng vendors ang kalsada. – 09292155…

Yan ang pramis ni Erap na pagbabago sa Maynila, ang punuin ng vendors ang kalye at mga park!

  

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *