Tuesday , April 23 2024

Dapat pa bang ipasa ang BBL?

USAPING BAYAN LogoHINDI misencounter ang nangyari sa Mamasapano, Maguindanao kundi isang kalkuladong kilos ng Moro Islamic Liberation Front at kaisa nitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters upang ubusin ang mga pulis na naghahanap sa mga terorista na nasa likod ng kabi-kabilang bomba-han sa Mindanao at Indonesia.

Malinaw pa sa sikat ng araw na tumatayo ang MILF at BIFF na protektor ng Malaysian na si Zulkifhi bin Hir alias Marwan at ang Filipinong si Abdul Basit Usman, parehong terorista na pinaghahanap ng buong mundo. Tanga lamang ang maniniwala sa sinasabi ng MILF na hindi nila ikinakanlong ang mga terorista.

Si Marwan, ang binansagang Osama bin La-den ng Timog Silangang Asya at isa sa mataas na pinuno ng Jemaah Islamiyah, ang sinasabing nasa likod ng Bali bombing na kumitil ng maraming buhay. Siya ang nagtuturo sa MILF at BIFF kung paano gumawa ng bomba kapalit ng kanilang pagkanlong sa kanya.

Walang kredibilidad ang MILF sa mga palusot nito kung bakit nangyari ang kanilang maramihang pagpatay sa ating mga pulisna ang tanging ginawa ay ipagtanggol ang ating bayan laban sa isang dayuhang terorista.

* * *

Ang paliwanag ng MILF ay pumasok sa kanilang “teritoryo” nang walang abiso ang 44 na pulis na kanilang pinatay sa Mamasapano noong Enero 25. Hindi raw nangyari ito kung nagkaroon ng koordinasyon.

Pansinin na ang paliwanag na ito ay ibinigay habang ang Bangsamoro Basic Law ay pinag-uusapan pa. Kabilang sa nilalaman ng BBL ang pagbibigay ng kapangyarihan sa MILF sa mga teritoryo na kanilang ibig saklawin.

Ngayon kung ganito ang reaksyon ng MILF kahit wala pa ang BBL, paano na lang kung maipasa na ang batas na ito at pormal na silang bigyan ng kapangyarihan ng administrasyong B.S. Aquino? Nakakatakot itong BBL…dapat pa bang ipasa ito?

* * *

Hindi ko alam kung bakit nakukuha pang maki-pag-usap ng kasalukuyang administrasyon sa MILF gayong malinaw pa sa sikat ng araw na ang tunay na agenda nito ay paghiwalay mula sa Republika. Ito ang dahilan kaya hinayaan ng MILF ang BIFF na mabuo… ito ang paniguro nila na matutuloy ang kanilang inaasam na humiwalay sa Filipinas.

Pansinin ang kasaysayan…nang makipag-usap ang Moro National Liberation Front sa pamahalaan ay hinayaan nila ang MILF na mabuo. Ngayon MILF na ang kinakausap na riyan naman ang BIFF. Pagdating ng panahon na BIFF naman ang ating kakausapin ay parang nakikita ko na na may bagong grupong tatayo para matuloy ang kanilang panaginip na Bangsamoro.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *