Thursday , March 28 2024

Brilliant Sixto Brillantes

00 pulis joeyHANEP talaga itong si Atty. Sixto Brillantes!!!

Akalain mo, tatlong araw na lang bago magretiro ay nagawa pang pirmahan ang P268 million contract sa Smartmatic para sa repair ng mga makina nito na gagamitin sa 2016 election.

Nagretiro kamakalawa si Brillantes bilang COMELEC Chairman.

Aba’y hindi ito dapat ipagpawalang-bahala na lang ng kongreso. Dapat iakyat ito sa Korte Suprema. Kung tama ba ang ginawa ng isang mag reretirong opisyal ng Comelec ay maari pang pumirma ng napakalaking halaga ng kontrata. Hindi ba ang tawag dito ay “midnight deal?”

Hindi maiiwasang magtatanong ang mga concerned citizen: Magkano ang naging kasunduan dito ng Smartmatic at nagretirong si Brillantes?

Ang tawag nga nila doon ay “pabaon!”

Mga katanungang dapat masagot ng MILF bago aprubahan ang BBL

Minamadali na ngayon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at maging ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) pagkatapos ng Mamasapano, Maguindanao clash, na 44 PNP-SAF commandos ang niratrat ng pinagsanib na puwersa ng MILF, BIFF, Abu Sayyaf at private armed groups habang ang grupo ay nagsisilbi ng arrest warrant sa 2 international terrorist na wanted sa buong mundo.

Sa nangyaring ito sa SAF 44, maraming katanungan  ang lumutang kung dapat pa bang ipasa ang BBL na naka-address lamang sa MILF.

Dapat sagutin ng MILF kung bakit nasa teri-toryo nila ang 2 terorista na wanted sa buong mundo.

Kung bakit nasa erya nila ang mga bandidong BIFF at Abu Sayyaf.

Kung bakit nasa lugar nila ang isa sa mga wanted sa Ampatuan, Maguindanao massacre na isang Ampatuan na  lider ng private armed group na nakipagbakbakan din sa SAF 44.

Kung bakit biglang sumama sa MILF ang MNLF na nakipaggiyera pa sa Zamboanga noon nang buuhin ang BBL.

At kung maipasa na ba ang BBL ay mawawala na ang MILF at iba pang armed groups sa Mindanao?

Sabi ng mga eksperto sa Konstitusyon: Ilegal ang BBL.

Well, tingnan natin kung isusulong pa rin ni PNoy ang BBL na ito sa kabila ng pagka-masaker sa SAF 44 sa kabila ng umiiral na peacetalks.

***

Pakinggan pa natin ang damdamin ng marami sa PNP-SAF 44:

– PNP at AFP lang ang sandatahan ng bansa. Durugin lahat ng kaaway (armed groups). Digmaan para sa kapayapaan. Wag gawing negosyo ang kapayapaan. – 09294382…

 – Eto lang ang ipaabot ko sa kumander ng AFP at PNP: Wag silang magtiwala o magkumpiyansa sa mga sibilyan dyan sa Mamasapano, Maguindanao dahil mga rebelde din yan, mga miyemro ng MILF, BIFF at Abu Sayyaf. Kunwari hindi sila kasali, pero mga kasabwat sila ng mga rebeldeng moros. – 09101763…

 – Dapat ibasura na yang usapan pangkapayapaan tungkol sa MILF, isama na yang BIFF. Mga salot yan sa lipunan, traydor. Pabor ako sa all-out-war. Isipin mo lang sa nangyari sa SAF 44, patay na binaril pa sa mukha at ninakawan pa! – 0905653….

 – Magandang umaga, ako po Sir Joey ay isang Muslim. Panawagan ko lang po sa kung sinong texter na sira-ulo: Wag nyo pong lahatin ang MILF na masasama, kumakatay ng tao. Ang gusto lang ng iba dyan peace Mindanao. Kaya wag nyong lahatin. Hindi gaya ng iniisip nyo. – 09474882….

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *