Thursday , April 25 2024

Malaki ang problema ng partido ni PNoy sa 2016

00 pulis joeyKUNG si PNoy ay naluklok sa Malakanyang dahil sa sympathy vote sa pagkamatay ng kanyang ina, dating Presidente Cory Aquino, noong 2010, mukhang symphaty vote rin ang magbabagsak sa partido niya sa 2016. At nanganganib siyang mangyari sa kanya ang ginawa niya kay ex-Pres. Gloria M. Arroyo.

Sa takbo ng pangyayari ngayon, matapos ang karumal-dumal na pagmasaker sa 44 PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao nung Enero 25 (Linggo), galit na galit ang mamamayan sa Pangulo laluna sa hindi niya pagsalubong sa Villamor Airbase sa 42 remains ng SAF 44 nitong Enero 29 (Huwebes) kung saan ang Commander in Chief ay “nakipagsosyalan” raw sa pagbubukas ng Mitsubishi Motors sa Laguna.

Lalo pang nag-alab ang damdamin ng mamamayan, laluna ng pamilya ng SAF 44, nang magpahayag si PNoy nung Enero 28 (Miyerkoles) na “misencounter” lang ang 12 oras na bakbakan, na hindi manlang pina-reenforce ang  militar na nakatalaga sa Maguindanao.

Tapos ipinilit pa ni PNoy na ituloy ang peacetalk, ang Bangsamoro Basic Law (BBL), sa kabila ng panawagan at reaksyon ngayon ng marami na durugin na ang MILF, iganti ang fallen SAF 44.

Ang ginawang pampalubag-loob ni PNoy nitong Biyernes na 14 oras na pakipag-usap sa pamilya ng mga nasawing commandos ay tila hindi parin nakapahupa sa nagbabagang damdamin ng mamamayan laluna ng mga opisyal ng pulisya na produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA). Anim kasi sa nasawing SAF officials ay mula sa academy.

Hindi tanggap ng PNPA Alumni ang pahayag ni PNoy na misencounter. Ang gusto ng mga opisyal ay retaliate o gumanti, tulad ng naging pahayag ni retired 2-star Police General ex-Mayor at ex-Senator Alfredo Lim.

Ang damdamin ngayon ng marami ay suspendehin o huwag nang ituloy ang BBL. Pabor na rito ang maraming mambabatas.

Sabi nga ni Senador Alan Peter Cayetano, “power and not peace” ang hangad ng MILF sa BBL. Ganito rin ang damdamin ni Sen. Bongbong Marcos.

Si ex-Pres. Erap nga ay nagpahayag ng “all-out-war” laban sa MILF tulad ng ginawa niya noong 2000 nang siya ang Presidente bago siya ma-impeach at ma-convict sa Plunder. “Don’t trust MILF,” sabi pa niya.

Kapag hindi pinakinggan at pinilit parin ni PNoy ang kanyang BBL, malamang na mabasura ang kanyang mga minamanok sa 2016. Kawawa si Mar Roxas. Tsk tsk tsk…

Pakinggan natin ngayon ang damdamin ng mamamayan sa SAF 44:

– Joey G. Venancio, dapat sisihin dyan si dating PNP Chief Allan Purisima dahil ninakaw nila ang mga rifle AK 47. Yun dapat ang gamit ng mga PNP-SAF. Hindi yun M16 rifle na mahina. Eh dapat naipagtanggol nila ang mga buhay ng mga SAF 44. Kasi pati bagong baril ng PNP kinukurakot ng mataas na heneral, walang magawa ang mga SAF na mababa ang ranggo. – N.B. hon ng Tundo, Manila

– Sir Joey, opinyon ko walang dapat sisihin o papanagutin kundi ang nag-utos sa PNP-SAF para lusubin ang pinaka-teritoryo ng mga MILF. At maliwanag na hindi  masaker ang nangyari kundi isang malaking giyera o engkuwentro. Kaya huwag silang maging one sided, mga baboy sila! – 09292455…

 – Sir Joey, napapaluha po ako sa tuwing nakikita ko ang 44 SAF sa TV. Sana mga pulis-Maynila nalang yun, mga kotong cops at mga buwayang pulis. – 09062072…

 – Sir Joey, sana dyan lang sa Manila magdeklara ng all-out-war si Erap. Sa mga sindikato ng iligal na droga, carnap gang, holdap gang, salisi gang, lahat ng sugalan. Yan ang dapat all-out-war ni Erap. Hindi sa MILF. Kung matapang si Erap, siya mismo makipagbakbakan sa MILF. Baka hindi pa siya tinatamaan ng RPG lalabas na mata niya. Hindi yung mga sundalo. Ano ipaubos nya naman sila? Kawawang pamilya nila. – 09183574…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *