ni Alex Brosas
NILAIT na naman ng fans ni Marian Something si Heart Evangelista.
Inakala kasi ng fans ng Kapuso actress na gagayahin na naman ni Heart ang dyowa niDingdong Something dahil may chikang lumabas na nagpunta ito sa isang mamahaling tindahan ng relo.
Nagkaroon ng issue dahil ang pinuntahang boutique ni Heart ay ang brand ng mamahaling relo na iniregalo ni Marianita kay Dingdong.
Siyempre, inisip ng fans ni Marianita na bibili rin ng katulad na relo si Heart.
So, lahat pala ng bibili ng katulad na brand ng relo na binili ni Marian ay gaya-gaya lang ang peg, ganoon ba ‘yon?
Hindi namin alam kung sira ang ulo ng fans ni Marianita pero sa pamba-bash nila kay Heart ay lumalabas na mayroon silang diperensiya sa utak.