Saturday , April 20 2024

Kelot tumba sa tandem

112514 crime scenePATAY ang isang 35-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang nakatayo sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Virgilio Avelino, residente ng Phase 4G, Package 6, Block 13, Lot 2, Brgy. 176 Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na sina Joey Cadena at George Bandillo, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, dakong 10 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Naninigarilyo ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang suspek at siya ay pinagbabaril saka mabilis na tumakas.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpaslang.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *