Friday , April 26 2024

PAL balasubas ba talaga!?

PALKUNG maluwag sa loob ng ibang mga foreign airline company na magbayad ng kanilang utang na overtime (OT) pay sa mga empleyado ng tatlong ahensiya ng pamahalaan na naka-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at malaki ang naitutulong sa kanilang daily operations, ibahin ninyo ang Philippine Airlines (PAL).

E kakaiba talaga ang kabalasubasan ng PAL.

Ang PAL ang Flag Carrier ng ating bansa pero ang kompanyang ‘yan ang unang-unang naghain ng petisyon na itigil na ang pagbabayad ng OT pay sa Customs-NAIA, Immigration-NAIA at Bureau of Quarantine -NAIA.

For the record, ang sinisingil ng Customs-NAIA ay iyong utang pa ng PAL na overtime pay sa kanila bago pa pinatigil ng korte ang pagbabayad nito sa kanila noong 2010.

Ang daming palusot at delaying tactics na ginagawa ang PAL gaya ng pag-o-offer na gawing hulugan ang pagbabayad ng utang nila sa BOC-NAIA.

Kaya nga ang feeling ngayon ng government employees, lalong hindi matitikman ang bunga ng kanilang paghihirap kapag tuluyan nang nakabalik si El Kapitan.

Talaga yatang mas gusto nilang tawagin silang balasubas kaysa mapagkalingang airline company.

No wonder, kinakarma ang kompanyang ‘yan!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *