Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, busy sa pagpapagawa ng bahay

120314 angel locsin

00 fact sheet reggeeKAYA naman pala nananahimik ngayon si Angel Locsin ay dahil busy sa pagbabantay sa major renovation ng bahay niya sa eksklusibong subdibisyon sa Quezon City.

Kaya pala hindi napagkikita ang aktres ay dahil parati itong nasa bahay nila, ”hands-on kasi siya, gusto niya nakikita niya lahat,” ito ang tsika sa amin ng taong malapit sa aktres.

Wala naman daw sira ang nasabing bahay, ”may mga kailangang palitan kasi luma na, change of atmosphere, at saka for more functionality,” sabi pa sa amin.

Nabanggit namin sa taong malapit kay Angel kung bakit kailangan pa ng change of atmosphere, eh, hindi naman doon na tiyak titira ang aktres kapag ikinasal na sila ni Luis Manzano.

“He, he, he, sana roon pa rin or puwede namang palipat-lipat,” sagot sa amin.

Maraming taong nakatira pala sa malaking bahay ni Angel na akala namin ay ang daddy at ilang kasama sa bahay, doon na rin pala nakatira ang lahat ng kapatid ng aktres.

Maging ang mommy ni Angel na maski may sariling bahay ay dumadalaw din sa bahay ng aktres kaya masaya ang lahat ng anak.

Ulirang anak talaga si Angel dahil ipinaayos muna niya ang buong bahay na ipinatayo niya para sa magulang at mga kapatid bago niya ito lisanin kapag nag-asawa na siya.

As of now ay hindi pa nag-uumpisa ng shooting si Angel para sa pelikula nila ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto pero tiniyak naman sa amin ng taga-ABS-CBN na anytime soon ay sisimulan na.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …