Categories: Opinion

May pakana sa MRT/LRT fare hike makapal

Una sa lahat ay ibig kong batiin ang ating mga mambabasa ng isang makabuluhang pasko. Harinawa ay maging masaya ang panahong ito para sa ating lahat.

* * *

Sa kabila ng paggunita natn sa pagsilang ng ating taga-pagligtas na si Hesus ay marami sa atin ang patuloy pa rin na nagwawalanghiya.

Una na rito ay ang mga taksi drayber na namimili ng pasaherong isasakay. Marami ang gumagawa nito kahit na malinaw na ipinagbabawal ito ng batas…ang mga drayber na ito ay dapat i-report sa kinauukulan at kasuhan.

Bukod sa kunsumisyon natin sa mga mapiling drayber ay kailangang matyagan naman ang mga drayber na ang tunay na pakay ay gawan ng krimen ang kanilang mga isinasakay…ito yung mga rapist o holdaper ng drayber. Dahil sa pagdami ng ganitong uri ng drayber ay sang-ayon ako na magtayo ng checkpoint ang mga awtoridad para lamang sitahin ang mga bumibyaheng taksi sa Kalakhang Maynila.

* * *

Nakakagulat ang plano na itaas ang pamasahe sa LRT at MRT sapagkat wala naman tayong nakikitang mabuting serbisyo mula sa mga nagpapatakbo nito. Ang kapal ng mukha ng mga ito na isampal sa taong bayan ang bagong pahirap na ito.

Sa totoo lang hindi dapat alisin ng pamahalaan ang subsidiya nito sa LRT at MRT dahil tungkulin ng pamahalaan ng paglingkuran ang bayan. Ibig ipraybitize ng administrasyong B.S. Aquino ang mga sistemang ito kaya aalisin ang suporta sa sistemang ito. Kapal din ng mukha ng mga taong nasa likod ng pakanang ito.

Ayos ang pamasko mo sa amin na boss mo ah….

* * *

Inaawit ang Lupang Hinirang at iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas pagkatapos ng misa sa mga simbahan ng Iglesia Filipina Independiente (na mas kilala rin sa taguring Aglipayano) bilang pagpapatibay na ang simbahan ay “Para sa Diyos at Bayan (Pro Deo et Patria).”

Inumpisahan ang tradisyong ito nuong panahon ng Amerikano bilang protesta sa anti-sedition law na ipinataw ng mga Kano nuong 1908. Sa ilalim ng mapanupil na anti-sedition law ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagwawagayway ng bandilang Pilipino at pag-awit ng Lupang Hinirang. Ang pag-awit ng Lupang Hinirang at pagwawagayway ng bandila sa loob ng simbahan pagkatapos ng misa sa mga simbahan ng IFI ay buhay na tradisyon na nagbibigay alab sa diwang makabansa lalo na nuong panahon ng tahasang pananakop sa atin ng mga Kano.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog ay magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Muntinlupa City named 2018 Most Business Friendly LGU

FOR the second consecutive year, Muntinlupa City is again hailed the Most Business-Friendly LGU in the country by the Philippine…

5 hours ago

Bukol ng utol nalusaw sa Krystall

Dear Sis Fely, Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng Panginoon, Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak…

12 hours ago

Wild and Free nina Sanya at Derrick palabas pa rin sa maraming sinehan

MAGANDA ang naging resulta sa takilya ng launching vehicle ni Sanya Lopez sa Regal Multi­media na “Wild and Free” katambal…

12 hours ago

Kanta ni John Alejandro para sa Azkals PH Team at AlDub libo-libong views na sa Youtube

PALIBHASA proven sa kaniyang pagiging mahusay na performer, patuloy sa pagiging in-demand ang Pinoy versatile recording artist na si John…

12 hours ago

Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

PATULOY ang pagdating ng blessings sa premyadong aktres na si Sylvia Sanchez. Kamakailan ay nagwagi na naman ng award ang…

12 hours ago

Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas

AGAD napalapit ang loob ni Mader Sitang sa mga Filipino sa pagdalaw niya sa bansa. Kaya naman nais ni Mader…

12 hours ago