Saturday , April 20 2024

Iboykot ang PPV ni Mayweather Jr

00 kurot alex

TUMATAAS lalo ang interes ng boxing fans sa pilit na ikinakasang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

At malinaw pa sa sikat ng araw na gustung-gustong mangyari ni Manny na magharap sila ni Floyd para sa kapakanan ng mundo ng boksing.

Pero ang malabo na lang ay itong si Mayweather.

Ngayong ibinigay na ng kampo ni Pacman ang lahat ng demands ni Mayweather para matuloy ang laban—mukhang wala nang maisip na idadahilan ang mayabang na boksingero.

Ngayon ay nananahimik ito na parang walang nangyayaring negosasyon sa paligid.

Marami tuloy ang nagbibigay ng kanya-kanyang suhestiyon para lang dalhin ni Floyd ang kanyang yagbols. Nariyang may nagsuhestiyon na i-ban sa boksing si Mayweather para ma-pressure. May nagpanukala pa na dapat nang makialam si US president Barrack Obama at kausapin si Floyd para harapin si Manny.

Nakakahiya nga naman. Biruin mong nasa National Anthem pa nila ang mga katagang HOME OF THE BRAVE tapos urong ang tumbong nitong isa nilang kababayan?

Pero tingin natin, mas magandang pang-ipit dito kay Floyd ay ang pagwelgahan ito sa pay-per-view. May nalalabi pa siyang dalawang laban para sa kontrata niya sa Showtime. At kapag sumisid sa PPV ang isa sa dalawang nalalabi niyang laban—tiyak na mapipilitan na siyang labanan si Pacquiao.

Dapat nang magising ang fans ni Floyd na nasa kanilang idolo ang problema kung bakit hindi matuloy-tuloy ang laban nila ni Manny. Masyado siyang maraming demands na nagiging alibi niya para maiwasan ang Pambansang Kamao.

Siguro naman gusto rin nilang mapanood ang laban ng dalawa. Hindi kasi magiging kumpleto ang pagiging idolo ng isang boksingero kung may lalagpasan siya na isang lehitimong kontender para sa kanyang kasikatan.

Well, isang laban lang naman ang palalampasin nila at huwag bumili ng PPV—ayos na ang kasunod.

0o0

May nakakuwentuhan tayong isang lehitimong aficionado ng karera sa bansa, isang retiradong pulis, at talaga namang pumupunta pa ito sa tatlong karerahan para lang mapanood ang mga aktuwal na takbuhan.

Masasabi nating malawak na ang koneksiyon nito sa loob ng tatlong karerahan ng bansa kaya updated siya sa mga balita na nangyayari,

May naibato sa ating info ang kaibigan natin na medyo nakakabahala.

Ayon sa kanya—may ilang horseowners daw na kumakalas na sa Metro Turf dahil hindi raw sila kuntento sa pamamalakad sa nasabing karerahan? At marami pa raw na susunod na lalayas sa nasabing karerahan?

Dagdag pa ng ating source na pati ang PISTA ng karerahan na dating inireklamo ng mga hinete ay bumabalik na raw sa malasementong tigas dahil napabayaan na naman daw lalo na nitong mga nagdaang mahabang bakasyon.

Nag-obserba tayo noong Sabado at Linggo na kung saan sa Metro Turf ginanap ang karera bago natin isinulat ito. Well, okey naman ang bilang ng line-up ng bawat race at nakabuo sila ng bilang na karera sa nasabing mga araw. At tipo namang OK ang pista.

Sa tingin natin—walang dapat ipangamba ang tagatangkilik ng Metro Turf. Mukhang alingasngas lang ang balitang iyon.

Pero dugtong ng kaibigan nating retiradong pulis, in the long run, mararamdaman raw ang sinabi niya.

Medyo nakakabahala pero sana tsismis lang nga ang balitang iyon.

 

ni Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *