Categories: Opinion

Pagpapalakas sa NDRRMC

Share

SA TAKBO ng kasalukuyang panahon na madalas tamaan ng kalamidad ang ating bansa bunga ng lupit ng kalikasan, kapabayaan ng tao at iba pang trahedya ay mahalagang mapalakas ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Panfilo “Ping” Lacson bilang pinuno ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) sa Pebrero 10, 2015 ay ililipat sa NDRRMC ang tungkulin sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda.

May mga mungkahi si Lacson sa pagrereporma ng NDRRMC dahil ito raw ang tamang ahensya na dapat mangasiwa sa mga kalamidad.

Kabilang dito ang agarang paglalabas ng pondong P80 bilyon sa 2015 mula sa Department of Budget and Management (DBM) tungo sa NDRRMC, na hindi na kailangan pang isangguni sa OPARR na dating kalakaran, para bumilis ang proseso.

Sang-ayon tayo sa punto ni Lacson dahil noon pang 2013 ay iminungkahi na rin natin ang paglikha ng panibagong departamento na tututok sa mga biktima ng kalamidad. Kung hindi man bubuo ang pamahalaan ng panibagong departamento ay mainam na palakasin nila ang NDRRMC.

Sa loob ng isang taon ay kung ilang ulit tayo nakararanas ng hagupit ng malakas na bagyo, malawakang pagbaha, sunod-sunod na sunog o kaya ay pagyanig ng lindol.

Ang madalas natin marinig na reklamo mula sa mga sinalanta ng bagyo o biktima ng trahedya, ang halos pagong sa bagal na pagkilos ng gobyerno sa pagpaparating sa kanila ng tulong.

Handa man ang NDRRMC sa pagtugon sa isang trahedya ay lumalabas na marami pa rin itong pagkukulang sa pagpapatupad ng pangmatagalang plano ukol sa rehabilitasyon ng mga sinalanta.

Ang NDRRMC, na nasa ilalim ng Department of National Defense, ay kinabibilangan ng mga pinuno ng mga kagawaran ng gobyerno na tulad ng Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways at iba pa.

Pero ang mga kagawarang ito ay may kani-kanyang tungkulin din na hindi nila puwedeng pabayaan. Hindi natin maaasahang puwede silang tumutok sa lahat ng problema na kinakaharap sa oras ng kalamidad at pangangailangan ng mga sinalanta sa kanilang pagbangon muli mula sa trahedya.

Kung irereporma ang NDRRMC, bukod sa mga kagawarang sangkot dapat magtalaga rin ng sapat na bilang ng mga tao rito na may kakayahan para tumugon sa problema mula sa mga arkitekto, enhinyero, teknisyan at iba pang mga propesyonal na puwedeng makipagtulungan sa mga pulis, bombero, coast guard hanggang sa barangay tanod hindi lang sa panahon ng emergency kung hindi pati na sa rehabilitasyon ng mga sinalanta.

Sa mga panahon na hindi tayo tinatamaan ng kalamidad ay puwede nilang gugulin ang kanilang oras sa pagsasanay upang hindi sila mataranta sa pagsapit ng emergency at alam na nila ang mga tamang hakbang na dapat nilang gawin.

Huwag natin kaliligtaan na ang pagsagip sa buhay ng mga mamamayan at sa kanilang mga ari-arian ay prayoridad at tungkulin ng gobyerno. Dapat maging handa ang pamahalaan sa lahat ng oras sa pagtugon sa problemang ito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View

COMMENTS
hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Aurora ni Anne, hindi basta-basta mananakot

HINDI itinanggi ni Anne Curtis na masaya siya sa pagbabalik-Metro Manila Film Festival. Huling entry ni Anne ay noong 2008 sa pelikulang Baler kasama… Read More

1 day ago

Jessy, excited sa pagsabak sa MMFF

UNANG Metro Manila Film Festival entry na siya ang bida pala ni Jessy Mendiola ang The Girl In The Orange Dress na handog ng Quantum Films, Star… Read More

1 day ago

Goma, umamin: maiiyak ‘pag nag-asawa na si Juliana

LATELY, napansin naming bukod sa kanyang mga ginagawang proyekto sa Ormoc, walang laman ang mga social media accounts ni Mayor Richard… Read More

2 days ago

ABS-CBN, sumusubok pumasok sa iba’t ibang media platforms

BAGO ang kanilang Christmas party, pinapunta muna ng ABS-CBN sa kanilang Studio Experience, isang gaming attraction sa isang Quezon City mall. Ang tema… Read More

2 days ago

Aktres, nagpa-panic na

TOTOO ba iyong tsismis Tita Maricris na nagpa-panic na rin daw ngayon ang pra la la la natics ng isang female star dahil lumalabas… Read More

2 days ago

Vic, ‘di nadaan sa kantyaw ng press

TOTOO nga bang sa presscon ng pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin ay nakahanda ang huli kung sakaling kantiyawan sila ng press na… Read More

2 days ago