Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Ipinaglihi sa hunyango si Ligaya “Balimbing”

Ipinaglihi sa hunyango si Ligaya “Balimbing”

00 Kalampag percyUMIIKOT ang tumbong ni Ligaya Balimbing y Hunyango, at hilong-hilo sa kaiisip ng iskema kung paano maibabalik ang mga hawak na illegal terminal sa Lawton.

Kung hindi ba naman isa’t kalahating “bobo dela yuka” si Ligaya, wala bang nakapag-tip sa kanya na kaya inutusan ni ousted president, convicted plunderer at “de facto mayor” Joseph “Erap” Estrada si RTP shares scam at Ghost Employees scam mastermind Isko Moreno na himukin siyang kumampi sa kanilla ay para makapa nila ang operasyon ng illegal terminal sa Lawton?

Bukod dito, paraan din ito ng riding-in-tandem sa Manila City Hall para aregluhin at lumpuhin si Ligaya na panay ang banat sa kanila sa nakalipas na mahigit isang taon.

Kapalit ng kanyang pag-tumbling sa bakuran nina Isko-Rap ay pinayagan siya kunwari na hawakan ulit ang raket ng illegal terminal sa Lawton.

Nagpanggap si Erap na binubukulan siya ni Isko kaya makalipas ang ilang linggo mula nang tumambling si Ligaya sa kanila’y ipinahuli ang kanyang mga illegal terminal.

READ MORE:  Mga multo sa Makati City government target ng Acting Mayor

Ang resulta, nabalewala ang pagsirko ni Ligaya sa kampo nina Isko-Rap at pagpuri sa kanila sa kanyang column.

Nagmistula siyang basahan na matapos pakinabangan ay basta na lang itinapon.

Kaya pala panay na naman ang puri ni Ligaya kay Mayor Alfredo Lim ay iniisip niya na maaari pa siyang makalundag pabalik.

Hangal lang ang magkakamaling magtitiwala sa traydor!

“Ricky Jane Salazar” kapit sa patalim

KAYA pala may nalalathalang column sa pahayagan si Ligaya ay dahil hitik sa alaga ang ghost writer cum lover boy na si “Ricky Jane Salazar.”

Iba talaga ang nagagawa ng kuwarta ni Ligaya, meron na siyang kulamnista, meron pang hardinero na nagdidilig sa tuyot at kulubot niyang bulaklak.

Pero sa edad ni Ligaya, maaaring mahina na ang kanyang resistensya kaya baka madali siyang mahawa ng HIV (Hair is Vanishing) sa kanyang lover boy.

READ MORE:  Holdapan sa Parañaque City talamak

Payo natin sa magdyowang ito, dalas-dalasan lang ang pagpapakonsulta sa doctor.

‘Utak’ sa Benavidez 2001 Murder Case

Bukod kay Isko, posibleng kilala rin ni Sr. Supt. Ronald Estilles ng Manila Police District (MPD) ang likaw ng bituka ni Barangay 659-A Chairman Ligaya Santos.

Sa napalathalang ulat ng Phil. Daily Inquirer noong Abril 11, 2001, naniniwala ang dating hepe ng Parañaque City Police na si Estilles, na may kinalaman si Santos sa pananambang kay SPO4 Ed Benavidez, dating pulis-Maynila, noong Marso 6, 2001.

Ito’y makaraang lumutang si Santos sa tanggapan ni Estilles para ayusin ang paglaya ng dalawa niyang tauhan na dinakip ng Parañaque City Police bilang mga akusado sa kasong pagpatay kay Francis Orda noong Abril 2, 2001.

Ani Estilles, pareho ang estilo nang pagpatay kina Orda at Benavidez kaya maaaring iisang pangkat ang nagpakana ng mga krimen.

READ MORE:  Isda at soberanya matapang na ipinagtanggol ng Indonesia laban sa China

Inamin daw ni Santos kay Estilles na mga tauhan niya ang mga suspect na sina Rolly Tonion at Jun Reyes Soriano, pawang dispatcher ng illegal terminal sa Lawton.

Ayon pa sa pulisya, may alitan sina Santos at Benavidez kaya’t suspetsa nila, ito ang dahilan kaya pinatay ang dating pulis-Maynila.

Noong May 2003 ay dinakip at ikinulong si Santos bilang mastermind sa Orda murder case ngunit nakalaya rin matapos saklolohan ni Manila 5th District Councilor Josie Siscar at bigyan siya ng magaling na abogado.

Hindi lang natin nasubaybayan kung ipinursige ni Estilles at ng Pasig City Police ang Benavidez murder case.

Abangan!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved