Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Matakaw na opisyal ng PNP-SPD nagtaas ng tara

Matakaw na opisyal ng PNP-SPD nagtaas ng tara

00 rex target logoISANG sira ulong opisyal ng PNP Southern Police District (SPD) na kilala sa pagiging masiba sa kuwarta ang iniulat na nagtaas ng tara o payola sa lahat ng mga ilegalista na sakop ng nasabing police command dahil kuno sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at sa utos na rin umano ng kanyang superior officer.

Kinilala ang nasabing gungong na opisyal sa alyas MAJOR T.,na ubod umano ng sipsip kay SPD Director, General Henry Ranola Jr.

Bukod sa droga, pasok sa intelihensiya ng tarantadong siMAJOR T as in tara ang lahat ng illegal gambling, bold shows at mga putahan.

Bago umano pumasok ang buwan ng Disyembre, P270K lamang ang intelihensiyang kinukubra ng SPD linggo-linggo mula sa droga at iba pang katarantadohan na namamayagpag sa Southern Metro ngunit nang pumasok ang Christmas season, parang merchandise din na biglang tumaas ang presyo ng payolang ipinakokolekta ni MAJOR ‘TARA.’

Ano kaya ang masasabi rito ni acting PNP Chief, General Leonardo Espina?

Nagtataka ang inyong lingkod kung bakit ubod nang lakas ng loob ng mga opisyal diyan sa PNP-SPD gayong kagagaling lamang ng isang opisyal sa indulto at eskandalo makaraang akusahan ng rape ng isang GRO sa isang night club na kanilang hinulidap.

Bukod pala sa masisiba sa pera ang mga taga-SPD, manyakol pa ang ilan sa matataas na opisyal. Katunayan, nasa NBI pa ang kaso ng SPD colonel na itinurong rapist ng kaawa-awang GRO.

Bakit tila kinukunsinti ni General Ranola ang kanyang mga bugok na tauhan. Akala ko ba, NO TAKE POLICY at ZERO VICES ang Metro Manila segun sa mahigpit na kautusan ni NCRPO Director, Gen. Carmelo Valmoria?

Malakas umano sa leadership ng PNP sa Kampo Crame siRanola kaya may sariling daigdig sa pagpapatupad ng kanyang sariling diskarte sa SPD?

Totoo rin bang si DILG Secretary Mar Roxas ang ipinagmamalaking amo nitong si Director Ranola?

Kaya naman pala walang keber sa pagtataas ng tara si MAJOR T as in TARA sa mga ilegalista dahil may ipinagmamalaking direktang blessing sa kanyang district director.

Kung ganitong si SILG Mar Roxas pala ang ipinagmamalaking padrino ng ilang bugok na opisyal ng SPD, ano kayang aksyon ang puwedeng gawin laban sa kanila ni acting PNP Chief, Gen. Espina?

But knowing Gen. Espina who is known to be straight and honest, tiyak sasalto si MAJOR TARA y TONG at kung sino man ang animal na among ipinagmamalaki niya.

Of course, sa sitwasyon ngayon ni DILG Sec. Mar Roxas, hindi makatutulong ang excess baggages tulad nitong sina Major Tat Gen. Ranola sa presidential ambition ng DILG Secretary.

Ayaw na ayaw kasi ng mga botanteng Pinoy sa mga kawatang opisyal ng PNP na nakatuntong sa likod ng kanilang mga among politiko.

Gusto n’yo pala ng malaking pera, bakit kayo nag-pulis?

Sana pumasok na lamang kayo bilang mga 1602 at club operator, smuggler o drug dealers

Hehehe!

Tiyak na sasawaan kayo sa pagbibilang ng kuwarta.

Again Gen. Espina, isang alyas Major T. ang pasimuno ngayon ng payola collection diyan sa PNP-SPD.

Alam man o hindi ito ni Gen. Ranola, the fact is, malala na ang katarantaduhan sa nasabing police command na walang respeto sa mismong director ng NCRPO.

Command responsibility mo ‘yan Gen. Ranola sa publiko at sa PNP leadership.

Mamanmanan po natin ang bawat yugto ng isyung ito diyan sa SPD.

Abangan!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved